Pages

Thursday, February 18, 2016

Mula sa Pampang


Hindi ko abot ang layo at lalim
Ng kaya mong languyin,
Kaya't tinatanaw lang kita
mula sa pampang.
At tanging dasal ang panlaban
Sa takot na baka di ka na magbalik
Baka tubuan ka ng kaliskis at buntot,
Mawili sa mundong di ko maaabot.

At kahit maaari
Akong matutong lumangoy din,
Baka di ko naman kayang mahalin
o kahit tiisin
Ang alat ng dagat.

Wednesday, February 17, 2016

Ang Dibuho

Ang mga maliliit kong mata'y
iginuhit nang pabilog, masaya.
Nang aking itinuro ang lungkot na nakikita,
Umiling siya, at tumawa,

               "Kilala kita."


Sa aking pisngi
ay gumuhit siya ng mga bituin,
tinakpan ang mga naiwang bakas ng taghiyawat.
Makinis na sa kambas ang balat
na araw-araw ay kinukutya ng salamin.

Mapula ang labing maputla,
At sa lahat ng pagtataka,
ito lang ang sagot niya,

             "Ganito ang kulay sa aking alaala."

Ang bawat protesta't pagtatama
ay sinasagot niya ng pagtawa.
Itinataboy sa balintataw
ang sariling nais kong ipakilala.

            "Kilala kita," giit niya

nang hindi ako tinitingnan.

Maganda ang babae sa dibuhong nabuo,
ngunit kahit siya ay ako,

            Hindi ko siya kilala.

Thursday, February 11, 2016

Said the Optimist

There was only the hum
        of the ref to keep me company,
and that unblinking eye
of the fluorescent lamp.
I couldn't sleep
while it was glaring at me
but a different set of eyes
open to stare
every time I turn it off,
          and between the two,
I preferred the one that burned
        and so I kept them on.

Imaginary people watched me try to sleep,
         watched while I lay listlessly in bed.
Imaginary ants nibbled on my skin
and the imaginary itch was such
         that it was real
and I scratched until I bled.

The blood vanished
before it hit the sheets,
so there's still something
to be thankful for--
         
         thank god, I guess.