Pages

Wednesday, March 30, 2016

Bilanggo

BILANGGO

Binura na ng panahon
Ang mga mukha sa gunita

Subalit di gumagaan
Ang nakadagan sa dibdib

Malabo na ang mga peklat
At wala na'ng mga pasa

Ngunit nanatiling sariwa
Ang dugo sa sahig

Hindi humihina ang mga sigaw
Na nakulong sa tainga

Kahit malayo na
Sa nagmumurang bunganga

Gabi-gabi, tumatakas ako sa hambalos
Ng takot . Lagi’t laging nahuhuli


Sa hindi pagkalimot.

No comments:

Post a Comment