Pages

Sunday, September 25, 2016

Anagolay

is a ghost of a name 
from a ten-sentence news
about an asteroid. Intrigued,
I scoured page
after page of search results,
but only found bits of this
and that.

I wish I can 
disappear that way, too--

thoroughly.

But with a cookie-
crumb trail

to lead someone,

anyone,

into the abyss
of my absence.




Friday, September 2, 2016

Fireworks

A thousand sparklers 
tore the night,
showered golden stars 

to the ground.

I raised a hand 
to catch the pretty
lights,

but it was dust 
that settled
on my palm.

The cheer  
that blossomed 
in my chest,

escaped my mouth
a soundless 
         "oh."

I forgot,
when fireworks         
  fall,
they fall as
 nothing

but soot. 

(an old, old poem. reworked)

Tuesday, August 2, 2016

Pagpag

Naglalakbay akong bitbit
Ang madaming ligaw na kaluluwa
Sa aking katawan.

Bawat biyahe’y pagtatangkang
Ihatid ang bawat isa
Sa kani-kanilang nais kahantungan.

May isang nagpahatid sa tabing-dagat—
Nangakong doon siya mananahimik
Kapag napulot na ang bawat bubog
Ng mga nabitiwang pangarap.
Tatlong araw naming binaybay
Ang mahabang dalampasigan.
Ngunit paano bang maiipon
Ang bawat butil ng buhangin?
Sa ikatlong dapithapon,
Iniwan ko siyang namumulot pa rin.
Sa may batuhan, nakapatong
Ang pangakong pagbabalik,
Naghihintay ng hampas ng mga alon.

Hindi pa nakalalayo,
Naramdaman ko
Ang bigat ng mga bagong multo
Sa lalamunan.

May isang nagpahatid sa tuktok
Ng paboritong bundok. Doon dati hinahabol
Ang pahingang di mahuli sa lungsod.
Sa pag-akyat, bitbit pa rin
Ang ligalig at pagtataka:
Tahimik ang paligid liban
Sa mga kaluskos sa gubat--
Bakit maingay pa rin sa loob?
Sa tuktok, naghahabulan sa aming paanan
Ang mga ulap. Naupo ako sa damuhan.
Pinatahan ang nag-uunahang pitik sa puso.
Bumitaw siya't malugod
Na humalo sa hangin, at nilunok ko
Ang inggit. Tahimik ang mga damo,
Samantalang nagtatalo
Ang madaming multo
Sa aking katawan.

Pagkababa, naghihintay
Ang mga bagong sasanib;
Bahagyang sumikip ang dibdib
Sa kanilang pagpasok.

May isang nagpahatid sa pusod
Ng maingay na lungsod. Unang beses
Daw niyang makakita ng mga nakahilerang
Buwan. Hindi tuluyang dumidilim dito, ano?
Naisip ko ang maraming aninong
Nagkukubli sa mga sulok, nag-aabang
Ng masasagpang. Di ko na sinabi
Sa kanya't ayokong patayin
Ang pagkamangha sa kanyang mga mata.
Iniwan ko siyang abalang binibilang
Ang mga mata sa mga gusali.
Marami pang ihahatid—

Padagdag nang padagdag
Ang mga multo,
Pabigat nang pabigat
Ang katawang hinihila
Ng iba’t-ibang rahuyo.

Sa layo ng narating
Wala pa din,
Kahit isa
Ang nakakauwi,

Kahit ako
Na may bahay
Na binabalikan.

Sunday, June 19, 2016

Pag-iimis

Nakapagtataka ang rahuyo
Ng patay na bulaklak sa lamesa.
May rikit na di matukoy ng mga mata
Ang mga talulot na pinanawan na ng kulay.
May halina ang amoy ng pagkaluoy
Na kahit iba na sa dating sigla,
Di nagbabago ang bahaging
Ginigising nito sa isip.
Sa kabila ng pagkalanta,
Makirot pa rin ang pamilyar na lugod
Kapag ito'y pinagmamasdan.

Nakapagtataka,
Katulad ng kung paanong higit
Ang tingkad ng alaala
Sa mga kumukupas na rekuwerdo.
At kung paanong,
 Para sa mga di makalimot,
Kayhirap na basta lamang ibasura
Ang mga patay na bulaklak sa mesa.

Tuesday, May 31, 2016

Anagolay

Matagal nang di nakikinig sa mga panalangin si Anagolay.

Matagal na panahon na nang siya'y maligaw. Hinila ng rahuyo ng grabedad pang sundan ang mga tipak na bato na nag-uunahan sa isang karerang walang simula o katapusan.

Matagal na niyang nabitiwan ang pangalan at ang kahapon. Sa walang hanggang pag-ikot, nalimot ang takda bilang panginoon, at kasabay ng pagkalimot ay ang tuluyang pagkawala ng mga ipinanalanging mahanap. At isa-isa, nagsipagmatay ang mga nananampalataya, dala sa kani-kanilang mga hantungan ang alaala, pangalan, at kuwento niya.

Matagal nang walang nananalangin kay Anagolay; matagal nang walang sumasambit sa kanyang pangalan. Matagal nang walang nagtatangkang muling mahanap ang pag-asa, hanggang isang araw may isang lalaking tumingala't sa kanyang isip ay kumislap ang isang pangalan.

"Anagolay," wika niya sa isang paligsahan ng pagpili ng ipapangalan sa isang tipak ng bato, "Anagolay ang ipangalan n'yo."

Nanalo siya, ngunit walang nagbunyi sa bayang di nakakaalala.

Monday, May 16, 2016

Gayak

Minsan kong pinitas isa-isa ang mga nunal
Sa likod mo, at itinago ang mga ito
Sa ilalim ng unan. Hindi mo napansin
Ang mga nawawala mong piraso;
Marahil ay di mo nadama ang mga kurot
Habang nilulunod ng tulog.
Sa mga gabing tanging anino ang katabi,
Idinidikit ko ang mga nunal sa naulilang
Espasyo sa kama, ayon sa pagkakatanda
Sa kanilang puwesto sa likod mo.
Matagal na pinagmamasdan,
Paulit-ulit iginuguhit,
Pinagdudugtong ang bawat tuldok,
Kinakabisa ang hugis na nabubuo,
Sinisigurong hindi mabubura
Ng mga puwang ang gunita--

Sa ganoon, naunawaan ang lunggati ng buwan.
Kung bakit gabi-gabi niyang ikinakabit
Isa-isa sa langit ang mga bituin,
Ayon sa hugis ng alaala ng mga lumisang katabi.




Sunday, April 24, 2016

Sagada 2016


Since this is a lazy Saturday and the things I wanna do (plant cherry tomatoes, for example) require tools that I don't have, so I might as well blog about a trip that happened 3 months ago (gasp! That was my last out of town, too. What have I become?).

Sagada then.

Like last time, we stopped over at Banaue to see the famous rice terraces. That's where we also had breakfast after the more or less 12-hour bus ride from Manila. It was easy to book a shuttle from there to Sagada, btw, since there are already drivers waiting for Sagada-bound tourists. It's Php300/pax as of January 2016. Sadly, they no longer allow people to top-load, probably because of the accident that happened sometime ago. Sad, really, since the view was worth the hassle and thrills of riding on top of a speeding jeepney.


We rented a big room that could fit all of us, and it came with this view:

 

Cute no? It's also within (uphill) walking distance to well-know restaurants, so we just walked up and down the street whenever we wanted to eat. 

It was almost lunch when we arrived, so we decided to eat at Masferre, then head to the hanging coffins after. I'm sad to report that Masferre is no longer the same Masferre I loved before, and my lunch there was a li'l bit disappointing.

The chicken was supposed to be fried. T_T The potato wedges were good, though.
So after lunch, we all went to the hanging coffins, which was a short walk and a bit of a hike away. We had a guide, probably because it was required, but the way there was easy to follow and the trail wasn't that demanding.




(tbc)

Tuesday, April 5, 2016

Ala Una y Media

Sa ganitong oras, ang bukas na bintana
Ay isang paanyaya sa gabi
Upang tumabi't magkuwento,
Ayaw mo mang makinig.

Dala-dala niya ang santambak na larawan
At pipilitin kang kulayan ang bawat mapusyaw
Na kanto. Hila-hila niya ang bawat daang
Iniwasan (o hindi hinabol. O pinakawalan);
Ipipinta sa iyong isip ang maraming marahil.
Iisa-isahin niya ang bawat letra sa bawat salitang
Nabitiwan; bubuhayin ang mga pagnanasang
Nailibing at napagtagumpayan.

Sa huni ng kuliglig,
Makikipagpaligsahan, mangungulit,
Bitbit ang mga pangalang wala nang mukha,
At mga mukhang nawalay na sa kani-kanilang pangalan.
Muli't muli itatanong sa iyo ang nalimot, nalilimot,
Nilimot, nililimot nilang pagkakakilanlan.

Saka lang tatalilis, kapag hapong-hapo ka na,
Mag-iiwan ng antok na babatahin sa umaga.

Wednesday, March 30, 2016

Bilanggo

BILANGGO

Binura na ng panahon
Ang mga mukha sa gunita

Subalit di gumagaan
Ang nakadagan sa dibdib

Malabo na ang mga peklat
At wala na'ng mga pasa

Ngunit nanatiling sariwa
Ang dugo sa sahig

Hindi humihina ang mga sigaw
Na nakulong sa tainga

Kahit malayo na
Sa nagmumurang bunganga

Gabi-gabi, tumatakas ako sa hambalos
Ng takot . Lagi’t laging nahuhuli


Sa hindi pagkalimot.

Wala

Hindi ako malungkot. Hindi ako masaya.
Hindi ako natatakot o nakadarama
Ng pagkabalisa. Gusto ko lang matulog
Upang sa paggising ay muling pumikit
Kahit hindi inaantok; kahit walang gabi
Sa umaga. Hindi isang sangtuwaryo
Ang kuwartong ito, ngunit ayokong lumabas
At humarap sa mundo. Wala doon
Ang kailangan ko. Hindi ko alam
Kung ano ang nawawala o hahanapin.

Minsan, habang sa kumot
Ay nakabalot, natutuksong
Tuldukan ang pagkabagot
Sa isang hiwa
Sa may pulso,

Kung hindi lang mapurol
Ang nakatagong kutsilyo

Sunday, March 13, 2016

Pagkatapos



May multo ka nang bitbit sa bawat paglalakbay.

Ang tinatakasa’y kasamang na-eempake,
Nakasalansang maigi sa pagitan ng mga damit.

Sa uupahang kuwarto, aangkinin niya ang kalahati
Ng makitid na higaan at saka hihigang paharap sa iyo—
Palaging nasa harap, kahit talikuran mo.

Paglabas, dala-dala sa bawat hakbang
Ang mabigat niyang pangalan. Itapon man
Sa malayo’y ibinabalik lang ng kawalan;
Isang tipak na batong ipinupukol sa iyo.

Sa mga lugar na wala pa namang alaala
Ngunit may bahid na niya,
Kung saan ang bawat kasalubong ay suot ang kanyang mukha,
Itatanong sa sarili ang matagal nang nasagot:
Bakit ba ipinapasyal pa ang dapat ay nililimot?

Friday, March 4, 2016

Assessment

Someone caught me
smiling at myself in the mirror.

I feel great today, I told her
and she just smiled

mockingly at my tummy fat,
and looking down I swore

to never skip
skipping breakfast,
lunch,
or dinner again.

I want to believe my mom
when she worried about how thin
I am getting, but the whispers

on the street tell me otherwise.
Who knows what they're saying

about the fat girl who just passed by?

I looked at the girl
behind the glass,
who caught me smiling
at myself, and she isn't smiling
anymore and I think

she just realized
how much of herself

she has to lose
to feel whole.

Thursday, February 18, 2016

Mula sa Pampang


Hindi ko abot ang layo at lalim
Ng kaya mong languyin,
Kaya't tinatanaw lang kita
mula sa pampang.
At tanging dasal ang panlaban
Sa takot na baka di ka na magbalik
Baka tubuan ka ng kaliskis at buntot,
Mawili sa mundong di ko maaabot.

At kahit maaari
Akong matutong lumangoy din,
Baka di ko naman kayang mahalin
o kahit tiisin
Ang alat ng dagat.

Wednesday, February 17, 2016

Ang Dibuho

Ang mga maliliit kong mata'y
iginuhit nang pabilog, masaya.
Nang aking itinuro ang lungkot na nakikita,
Umiling siya, at tumawa,

               "Kilala kita."


Sa aking pisngi
ay gumuhit siya ng mga bituin,
tinakpan ang mga naiwang bakas ng taghiyawat.
Makinis na sa kambas ang balat
na araw-araw ay kinukutya ng salamin.

Mapula ang labing maputla,
At sa lahat ng pagtataka,
ito lang ang sagot niya,

             "Ganito ang kulay sa aking alaala."

Ang bawat protesta't pagtatama
ay sinasagot niya ng pagtawa.
Itinataboy sa balintataw
ang sariling nais kong ipakilala.

            "Kilala kita," giit niya

nang hindi ako tinitingnan.

Maganda ang babae sa dibuhong nabuo,
ngunit kahit siya ay ako,

            Hindi ko siya kilala.

Thursday, February 11, 2016

Said the Optimist

There was only the hum
        of the ref to keep me company,
and that unblinking eye
of the fluorescent lamp.
I couldn't sleep
while it was glaring at me
but a different set of eyes
open to stare
every time I turn it off,
          and between the two,
I preferred the one that burned
        and so I kept them on.

Imaginary people watched me try to sleep,
         watched while I lay listlessly in bed.
Imaginary ants nibbled on my skin
and the imaginary itch was such
         that it was real
and I scratched until I bled.

The blood vanished
before it hit the sheets,
so there's still something
to be thankful for--
         
         thank god, I guess.

Tuesday, January 26, 2016

Jan 2016 Au

Hi. You are currently re-reading Gone Girl, and at one point, you've messaged the boyfie to tell him how unsettling it is to be able to relate to the girl. (Now that you think about it, that sounded like a death threat.) The passage you were reading was that part where she was telling the story about their 3rd-yr anniversary, and how the guy missed it to go drinking with his office mates (valid reason, because they just got laid off) and how the girl was trying not to be upset and failing. (Now that you think about it, that sounded like a passive-aggressive subtext.) You're almost at the end of the novel now, and you realize that that isn't the part that you most relate to. It's this:
I was pretending, the way I often did, pretending to have a personality. I can't help it, it's what I've always done: The way some women change fashion regularly, I change personalities. What persona feels good, what's coveted, what's au courant? I think most people do this, they just don't admit it, or else they settle on one persona because they are too lazy or stupid to pull a switch.
2015 finds you to be the poetry Au: hipster vibes with the glasses and owl-themed stuff ("Not a hipster, nope. I just like hipster stuff"), workshop every weekend, poetry readings and being part of a folio. Backpacking Au took a little step back from travelling, photography Au gathered dust in the shelves, sporty Au took a break (gahd, the fats!!!), blogger Au tried and failed to take over, and even the bible-studying Au had taken a backseat. A few months with the boyfie had resurrected the cutie Au you've buried some years ago when you decided you wanted to be taken a little more seriously-- childlike, chubby-cheeked, tiny-voiced cutie ("My voice is not like that! >.<".) With that came Au's you've never met before: girlfriend Au, jealous Au, dog-cat-panda-loving-and-greeting Au, cool Au, wants-to-be-published Au (Actually, you've met her briefly in '11 before, that year of frenzied submissions to online publishers, not really understanding what you're doing), serious boardgaming Au-- and you wonder from time to time how all those Aus have fit inside all this time.

You write this blog now, not knowing where this is headed. At this very moment, you have no idea what Au you are, and you're kinda nostalgic for the one where you felt the most you. Thing is, you have no idea what exactly was that Au. But don't worry, lost Au, you aren't really lost right now. You are doing okay: there's going to be a new project at work, there's the boyfie, the friends are still there, and new ones, too! and you'd probably going to get better in watercolor. Don't worry about what you should be, the right kind of Au had always risen to the occasion, and so far, hasn't disappointed you yet.

So you'll be fine.