Pages

Thursday, March 12, 2015

The Best Kind of Friends (1)

I have friends

who took a nibble out of the first ever french toast I made
fought their gag reflex
and warned me:

Too much of a good thing, specially cinnamon, can break a well-intentioned toast.

And you'd think they'd be wary of the next thing you "cook".

But they braved
the first ever quesadilla batch--
a food frankenstein of some sorts
you brought the next day, and raved
about it as if the french toast never happened.

The best kind of friends are the kind of people who are generous of their second chances.

who would tell you upfront
where you went wrong

and

who you'd never be afraid to cook for.

Thursday, March 5, 2015

Saan ba nagsisimula ang kwento ng pag-ibig?

A/N: Found this old note in my files, dated Oct 16,2014. Fun read! :)

Saan ba nagsisimula ang kwento ng pag-ibig?

***

Nakita ko siya, sa unang pagkakataon, sa isang corporate tree planting, of all places. Sabihin na nating mapanghusga akong tao, pero wala sa itsura niya ang kayang lumuhod sa lupaan at magbungkal-- maputi, matangkad, maayos ang gupit... ang linis-linis.

Kaya siguro siya nahagip ng mata ko. Out of place kasi.

Pasimple akong sumunod sa kanya nung isang linya kaming naglakad patungo sa site. Hmmm. Malapad na balikat, parang ang sarap sandalan. Kaso suplado... o tahimik lang? Kahit nginingitian ko, yung ngiting pabalik, tipid pa. Di ko tuloy matanong ang pangalan.

***

Ang bagal ng lapag ng elevator, ang daming empleyado, huli na ako... hay, ano bang bago sa araw na 'to?

Nakasiksik rin sa wakas.

"Pasuyo naman po sa third floor."

Pamilyar ang likod na 'yun ah. Teka!

Naglakad palayo, pabalik sa lugar ng di pagkakilanlan.

Ikalawang pagkakataon, dahil ba sa hina ng signal, universe, kaya di niya ako narinig?

***

Sa kwentong tumatakbo sa utak ko. Dalawa kaming bida, pero ako lang ang may malay. Ako lang ang may dayalogo. Kwentong-pag-ibig nga ba 'to-- kung hindi magtatapos sa pag-iisa o pagkabigo? Kung ang kwento, katulad ng tunay na buhay, kahit na tinatakan na ng "the end" ay di naman talaga natapos. Kwento pa ba 'to?

Hindi ko alam ang tamang sagot, pero baka sa dulo?