Pages

Wednesday, January 1, 2014

2013 Yearender

Dahil di naman ako makatulog, ihahabol na lang kita, kahit huli.

Salamat 2013. Hindi ka kasing agit ni 2012, pero yung pagiging steady mo lang yung kelangan ko.

Konting bundok, konting trip. Sakto lang.

Pero andaming dagdag na alaala.

Salamat sa tattoo -- palaging paalala na kahit anong sakit, pisikal-emosyonal-mental, kaya ko.

Salamat sa mga akyat -- palaging paalala na pwede naman huminto pag pagod na. Di naman lumalayo ang tuktok eh. Minsan nga lang may time constraint, pero pag di talaga kaya, edi wag.

Salamat sa solo travel sa Davao ulit palaging paalala na kahit mag-isa, kaya ko pa rin maging masaya. Di ako bitter sa mga nagcancel ah. Haha

Salamat sa mga kaibigang hatid mo 2013. Sa kulay na dala nila, at dadalhin pa.

Salamat sa mga kaibigang hatid ni 2012 na higit kong nakilala ngayon. Di ako sigurado kung anong klaseng impluwensya ako, pero sigurado akong impluwensya ako. Haha

Salamat sa mga kaibigang andito pa rin, kahit 3-4-5-6 na taon na ang dumaan. Salamat sa pakikinig ng taimtim sa mga kwentong 2013, at sa presensyang di nagmamaliw anuman ang dumaan.

Salamat sa mga bagong aral sa trabaho, sa pagbabalik ng lasa sa mga panahong umay na.

At higit sa lahat, salamat sa mga balang bibitbitin sa 2014.

Salamat 2013. Dabest ka!


2014, sana ikaw din.

No comments:

Post a Comment