Pages

Monday, September 16, 2013

Bakit Nakakasenti ang Ulan*

Sabi ko dati, may mga bagay na masayang gawin, pero korni na ulitin.

Senti akong tao. (also, walang konsepto ng transition at coherence. Pero tiyaga lang, someday, somehow, everything will be brought together at magkakasense din ang mga bagay-bagay. Isa pa, friend kita. Di ba? Di ba? Sanay ka na dapat sa kin. Hihi)

San na nga ba ako? Ah, eto, naliligaw sa pag-aalala ng nakaraan. Ah, onga pala, sabi ko senti ako. Kahit ang mga sobrang liit na mga bagay, nadidikitan ko ng ala-ala.

Tanungin mo ko kung anong nostalgic sa 'kin. Eto isang example: alam mo yung tuna spread ng century na nakalagay sa maliit na easy-to-open can? Ay, pramis! Pag nakakakita ako nun, I feel nostalgic. Yung may something kang nararamdaman sa puso na parang napupuno ito ng something light and fluffy at nageexpand hanggang sa feeling mo mabigat na magaan na sia (yung puso mo)? Kasi naman, yang tuna na yan yung mag-isa kong kinakain sa labas ng tinutulugan ko nun sa Hinatuan. Don't get me wrong, it wasn't a sad memory. On the contrary, that was quite a happy one: I've just been to an enchanted river and an impressive falls, met good friends, had a thrilling habal-habal ride and now eating something that took me some time to find (pramis, parang di uso tuna sa lugar na yun. Haha). Lahat ng good vibes ng araw na yun nacompress sa maliit na latang yun-- at swerte ko, kahit sang 711 ata meron nun.

Yun yung okay pag sa isang bagay nakadikit yung memory: kahit kelan, kahit saan, kahit papano, madaling irecapture yung feelings. Ibang usapan, siempre, pag sa tao na. Gusto mo maulit yung magulo-masaya-lakas-trip na pagpipicture taking sa gitna ng daanan ng mga truck habang pauwi mula sa late-night lamyerda? Ay gudlak. Minsang lalabas ang picture, babaha ang "ulitin natin!" comments, maraming maglalike, pero asa kung may papatol. Magkikita kayong nasa larawan ulit, baka may dinner, pero mas malamang na ang ending ay sa kapihan at hindi sa madilim na kahabaan ng CPGar. Kasi, hindi na kayo yung parehong tao na nahuling nakanganga sa camera. Kasi alam nio, kahit maulit, it would just be an echo of that magical time na sabay-sabay niong naisip na masaya pala magpictorial pag may chance na mahagip ng truck. Pero don't get me wrong. Di ako anti-move on, 'no. I accept the fact that people would never stay the same and I celebrate the knowledge na because we change, we could go on making more memories that are way happier and riotious than the one na nagpapasenti sa inyo ngayon. Kaya nga, kapag may pagkakataong tumawa ng malakas kasama kahit sino (pero siempre, lalo na kayo), kahit hassle, kahit malayo, kahit late na, ginugusto ko. Kasi alam ko, bukas, nostalgia na lang lahat ng 'yun, or worse, korni. Tsaka mas okay ng malungkot-masaya kapag maulan dahil sa nostalgia, kesa naman totally walang ala-ala, di ba?


*ay ewan, pero Purefoods, peram neto ah.

P.S. Tanungin mo ko kung anong favorite memory ko with you, sasagutin ko. Pag wala ako maalala, mag-iimbento ako. Haha!