Pages

Monday, December 31, 2012

Whoa. (2012)

Eh yung andami-daming nangyari ngayong taon na 'to?! Parang worth 2 years of bonggang experiences. Andaming u-turns, detours, surprises, lessons, mali at tamang akala, nawala, nahanap, natagpuan... sabi ko nga andami :)) Kung maiimbento ang time-travel, gagawin kong tambayan ang 2012. :)

Presenting, in no particular order, the "ests" of my 2012:
  • PNR (Hogwarts Express- Pinas version!)  Pangarap ko 'to dati pa, dala nung mga cartoon adaptations of classic stories. Although walang nagtutulak ng mga candy sa aisle (walang space!), at mejo mas maalog pa sa bangkang naliligaw sa dagat Pasipiko, panalo pa din dahil komportable, malinis at kasama ang friends (yihee :>) Bad news: nag stop ata sia ng operations ngayon dahil nasira yung riles? May twitter sila, sila na lang tanungin nio. 
  • Boat? Ship? O para soshal, cruise? Haha, di ko talaga alam ano itatawag dun, although mas tama  naman ata ang ship. Technically, di ko perstaym sumakay ng barko; I have vague memories of time I was in one when I was a kid. Pero perstaym ko sumakay ng barko mag-isa. Sobrang saya :)) May videoke (di ko inattempt), inuman (di din ako kasali), TV, stargazing, liveband, pagkain at kwentuhan galore with kung sino-sino :) Kumpara sa tren, mas stable to-- feeling ko nga di kami gumagalaw. :)) Pag maaga nagising, may bonus na sunrise. Malamig, malinis, maayos, tahimik at komportable ang tourist class na accommodation na inavail ko (may free meal!). Next time, pag me perang masusunog, magcacabin ako. Haha :))
  • (Libreng) bus ride c/o Globe. Ako na mabilis makaamoy ng libre. :)) Salamat sa Globe, nakatambay ako sa La Union nung Holy Week. May bonus pang freebies dahil sa mga games sa bus :))
  • Trabaho.* :) After 2 years + months sa AUB, I resigned and transferred to Indra (at naassign sa Meralco). Shaky nung una dahil ako ang anti-role model ng pagpaplano (kinapos sa budget nung first 2 months. Buti na lang may suporta ng nanay. Hihi), mga sumablay sa expectations... pero ok na ko. Keri at flying steady na. :) 
  • Lakwatsa galore: Calaguas. Sagada. Seven Lakes of San Pablo. Laoag. Pagudpud. La Union. Vigan. Mt Manalmon. Quezon. Puerto Princesa. El Nido. Coron. Boracay. Zambales. Laoag (uli), atbp lugar sa Ilocos. Nablog ko lahat yan, pakibasa na lang. :)) Sa mga nagtatanong kung pano ko afford: 1.) Cheap travel and 2.) Eto lang po ang bisyo ko. :) Kaya ikaw, kung gusto, afford din. Bawas-bawasan ang milk tea at frappe. Hihi.
  • Embarrassing moments: madami, pero yung sa nangyari sa bus terminal sa may Puerto Princesa ako pinaka-natatawa: 
Edi sumakay na ko ng bus papuntang El Nido, pumili ng magandang window seat at inilapag ang bag. Mejo nasiCR na ko nun at malayo pa ang stop-over, so kahit di ko sigurado kung aalis na (parang aalis na kasi puno na halos yung bus, pero wala pa ko seatmate.), bumaba ako ng bus para magCR. Wala ako nabilinan kasi di ko magets kung sino yung driver. Anyway, paglabas ko nung CR, na nasa mejo dulo nung terminal, nakita ko yung bus gumagalaw at paalis na! >.< Edi siyempre nagpanic ako, tumakbo, and with arms flailing, sumigaw: Kuyaaaa, wait lang! o.O Eksena galore. Turns out, di pa naman aalis yung bus, nag-adjust lang ng pwesto. :)) Ah, the things you need an invisibility cloak for. >.<

  • At madaming-madaming-madaming leksyon at katatawanan sa buhay na bitbit ko na forever! =D 

Thank you Lord for another awesome year (they just seem to get better every time. :D). I'm sure 2013 will rock even more, and for that, welcome 2013!

And for next year...
  1. Mas madaming akyat! Namimiss ko na mamundok. Ayain nio ko please (eto lang isang gawaing di ko magawa mag-isa. Haha. Siguro in the far, far future. :)))
  2. Mas madaming solong lakwatsa. It's not that I shun company (see next item. :)), it's just that I find a trip more immersive when I'm alone and forced to depend on strangers for my well-being. Besides, mas heightened yung sense of adventure kapag wala ka na ngang plano, wala ka pang kakilala. Haha :))
  3. Travel with a huge group of friends. Magulo, masaya at madaming pictures-- what more can I ask for? And this wish, matutupad sia on June 2013 sa Davao, one of my favorite places in the Philippines (13 kami, weeee! pwede pa dumagdag, c'mon). Super yay! :D
  4. Mag-aral? Biglang di ako naging sigurado sa balak na 'to. Haha. Pero pag di ako tinamad, baka ipursue ko ang balak kong mag MS. Miss na miss ko na ang UP eh. :)
  5. Mag-aral ng wala lang. Haha. Baka bagong hobby, o iimprove ang luma. Kahit ano lang, dahil wala lang. :D 
Notes:
*See, di puro lakwatsa ang tema ng buhay ko. Hihi

No comments:

Post a Comment