Pages

Tuesday, November 13, 2012

Ilocos sa Ikatlong Pagkakataon

Una, nung nag-Pagudpud kami nila Dar at Cere.

Pangalawa, nung holy week at nag-solo trip ako sa La Union.

At etong pangatlo, kasama ang dalawang pares na nagmamahalan.

Haha. Di ko na aayusin ang kwento ko. Wala din naman akong makocontribute sa mga itineraries nio dahil: 1) libre ang accommodation, 2) at sobrang asikaso kami ng mga host namin. Salamat friend's* kamag-anaks! :D


So umalis kami nang Manila ng mga alas 9 ng gabi. Akala ko matutupad na ang pangarap kong marinig ang pangalan ko sa : "Calling the attention of the last remaining guest of Cebu Pacific flight 5J404 bound for Laoag..." kasi akala ko 8pm yung flight namin at 7:15 na wala pa sila Angge at Al. Si Al talaga! xD

Dumating kami around 10pm, sumakay sa van, at naglakbay ng 2 oras sa madilim na kalsada. Paminsan-minsang nagkakatakutan pag napapadaan ng sementeryo at tulay hanggang sa nakarating sa tutuluyan naming bahay. Sa isang napakalawak na kwarto kami pinatulog.

Nagising ako sa isang napakaganda (at napakaagang) umaga.



Pagkatapos ng sobrang laki at sarap na breakfast (libre! salamat ulit friend's family :D), sumakay kaming muli sa van para magpunta sa una naming destinasyon: Currimao Coral Rock formation. Actually, wala talaga kaming settled itinerary. What we had was a list, at kung ano dun yung malapit at familiar sa ang aming mababait na tour guides, dun kami.

So eto yung pinuntahan namin:
Currimao Coral Rock Formation (paulit-ulit?): Sobrang cool ng features ng lugar na to. Picture perfect: cerulean waters, rugged landscape, bright blue sky, clear waters, and darting fishes. Plus yung "islands" of seaweeds na nagdagdag ng karakter sa buong lugar.
Currimao Coral rock formation

Di rin kami nagtagal sa lugar na ito dahil mejo mainit. Up next:

Paoay Church
I can totally see this as a venue for classic Filipino-themed weddings. Too bad di kami pumasok dahil ata sarado.

FEM Mausoleum and Museum
Here, you can see how much Marcos is venerated in Ilocos. Andito rin yung well-preserved body niya, waiting for the day na finally maihimlay siya sa Libingan ng Bayani. Pinaka-interesting yung mga notes and telegram nia kay Lady Marcos na sobrang candid at romantic, pati na yung mga pictures nila depicting them as normal people. It's a different view from the usually imposing image of Marcos that history books had painted in our minds.

Miki and Empanada time
We went to a nearby empanadahan and miki-han to taste the famous Ilocano chow. Di ako nag-empanada kasi busog pa ko from the breakfast, pero according sa mga nagtry, mas masarap daw yung sa Vigan. Haha. Nag miki din kami, and I enjoyed it with a bottle of pop. Sarap talaga nung noodles :))

Laoag Sinking Bell Tower
It's a short drive away from Batac. I'm not sure how much it sinks every time, pero we saw a gated entrance na nakalubog nga.

An old bedroom: One of the installations in the Musuem of Ilocos Norte
We walked towards the nearby Laoag Museum na may entrance fee na Php 50. Been there before, kasama sina Dar at Cere. Pero cool talaga na pwedeng hawakan, picturan at kalikutin yung mga displays. It showcases Ilocano (and to a large extent Filipino) culture of the olden days.

By this time, mejo low energy na kami dahil sa init ng araw. Haha

The fountain at Fort Ilocandia Resort
This place is a short drive away from Laoag. Mejo walang masyadong remarkable sa place except for the old-timey architecture. Akala namin dito na ang limit ng energy namin for the day. Naghahanap na kami ng malamig na kapihan. Haha. Pero nung nahimasmasan, nagpatuloy kami sa :
The ballroom at the Malacañang of the North
Ancooool ng mansyon na 'to! Literally at figuratively. Gusto ko ng bahay na ganito: mapunong walkway,  mahangin, eleganteng kasangkapan at may magandang lakeside view.  Pwede ring isali yung Php30 na entrance fee para sa mga bisita. Hahahaha :)))
At eto ang highlight ng aming maikling bakasyon:
Looooooooooooord! Yan ata yung sinisigaw ko nian. Haha
Sandboarding at 4x4 ride! Pramis, sobrang panalo! Comparable yung adrenaline rush sa Whitewater rafting at cliff diving. Php2500 yung binayad namin, tas pito kami. 1 hour lang dapat,pero parang unlimited yung sandboarding. Parang nabura lahat ng yamot at pagod namin sa kainitan ng araw after ng activity na 'to. Tip: yung time na magbibilin yung driver na kumapit ng todo, yun yung highlight ng buong ride. As in wooooooooooh! 
Bonus na lang 'tong nakakainspire na sunset. :D
Pero di dito nagtapos ang lahat. Pagkatapos umuwi, nagpagpag at kumain ng bonggang dinner (sobraaaang thank you po ulit!) nag-motor kami papuntang Vigan. Lapit lang, mga 15 minutes away.

Yung sabi sa "Perks..." na infinity, palagay ko kapiraso nung feeling nun eh yung feeling ng naka-motor sa ilalim ng langit na hitik sa bituin, habang banayad na humahampas (haha, meganun?) ang hangin sa 'yong mukha. Kung di lang ako nahiya, ansarap sumigaw nang I am infiniiiite! habang tinatahak namin ang daan pa Vigan. :)))

Eto ang inabutan namin:
Walang tao! \m/
Sobrang ibang-iba dun sa inabutan ko nung holy week. Well, what do I expect? Ngayon mas feel ko ang panahong nang-iwan sa Vigan. Panalo.

Di na kami nagtagal dahil gabi na rin, at kinabukasan na ang uwi namin. Pero di din ako nakatulog agad. Sobrang ganda kasi ng langit, punong-puno pa rin ng bituin. Eto oh:
I caught Orion on tape!
Nakatulog rin naman ako, at kahit late na yun, maaga pa ring nagising kinabukasan. Mga alas-singko. Gusto din kasing maligo sa dagat nila Al. Malapit lang naman yung beach, kaya nagmotor lang kami papunta. Pwede ngang lakarin eh.

Black sand ang peg ng beach na 'to. Di developed kaya there's a feeling of rawness to it. I spent my time taking pictures, while the others swam. Di ko kasi feel magbitbit ng basang damit pauwi, kasi balak ko dumirecho ng UP paglapag sa Manila.

After our allotted time at the beach was up, we went back to the house to clean up, pack our stuff and eat breakfast before going to our last stop: ang Baluarte ni Gov. Singson. It's a zoo na imported almost lahat ng denizens. May deer, ostrich, geese, horses, birds at iba pa, pati siyempre ang star ng zoo: dinosaurs. Joke lang. Haha :)) Ang mga tigre. Si Dick lang yung tigre na naalala ko yung pangalan. Nilakad pa namin ang nakakahingal na daan patungo sa kulungan nila. Haha.

Tas ganun pala yun no? Kahit gano sila kacute sa pictures, pag nakaharap mo na sila sa personal, andun agad yung feeling of awe and terror. Kahit sila pa yung nasa loob nung kulungan. Automatic respeto. Haha :))

May lumapit na caretaker sa 'min at  ambait nila Dick sa kanya. Haha. Pinilit nia din akong ipet si Dick. Kahit mejo sigurado akong keber kay Dick ang konting hawak, di ko pa rin napigilang magpumiglas. Mahal ko ang kamay ko, at panghanap-buhay ko kaya 'to. Hahaha :)) Pero sayang din kasi yung experience, kaya kumudlit ako ng konti. Sabay panic when Dick thumped his tail. Hahaha :))

Afterwards, sumaglit kami sa butterfly garden kung san inaliw kami ng isang butterfly na palabas sa kanyang chrysalis. Tapos lakbay papuntang airport, at delayed ang flight namin.

So overall, sobrang enriching at masaya 'tong trip na 'to. Thank you Al at friend sa pag-asikaso ng lahat, pati na rin sa 2 ko pang kasama na si Angge at Edmund para sa pagshare ng isang libo't isang tuwa. At salamat Lord sa pagkatupad ng isang pangarap ko na makitira sa bahay ng friend sa probinsya for a slightly more authentic experience. Sana next time matry naman namin magtanim ng mais at manghuli ng tilapia. :)) [ Immersion pala ang peg. Hahaha :)) ]

3 comments:

  1. dapat sumigaw ka au! wala namang tao. :) at naalala ko ung pagpupumiglas mo. natawa ako ng bongga nung nabasa ko to.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Baka magulat si Kuya at magcrash kami. Hahah =))

      Delete
  2. another tip sa sandboarding: go there around 4 and ask them if you could wait for the sunset (1 hour naman ung 4x4 and sandboarding experience). so if the sunset is around 5:30, some of them would let you extend...for free. :)

    ReplyDelete