Pages

Tuesday, January 10, 2012

Calaguas Adventure 2: The Joy is in the Journey

And if you take along somebody you love, then that journey is going to be all the more enjoyable. 

Matthew Buckley, Chickens in the Headlights:
The PNR Bicol Express
Panic mode kami ni Aria. Akala kasi namin di kami aabot ng 630 sa PNR Pasay Rd dahil sa traffic. Pero umabot kami (maaga pa nga.) Yay!



Pano pumunta sa PNR Pasay Road Station?
1. Yung bus na pa Ayala-Leveriza sa Edsa, yung dumadaan ng Pasong Tamo. Baba ng Pasong Tamo. May jeep dun papuntang Mantrade. Dadaan yung jeep sa Waltermart. Lagpas ng konti sa Waltermart, andun yung Pasay Rd. Station. Di sia madaling mapansin, so bilin-bilin na lang sa driver. Kami ni Aria, sa Waltermart bumaba, tas tumakbo papuntang station. *hingal*

2. Galing MRT Magallanes Station, may jeep papuntang Pasay Rd.

3. Taxi.

Nakapagpareserve kami ng 5 sleeper tickets, Php 665 each. Nagbaon kami ng dinner, kasi 6:57 pm (mas maganda andun ka na by 6:30) dadating yung Bicol Express sa Pasay Rd at mga 4:30am dadating sa Naga.

Excited kaming sumakay sa tren. Cozy at comfortable ang sleeper couches. Malamig nga lang, so mabuti nang magdala ng mga panlaban lamig. Bingo pag may sleeping bag, sobrang sarap ng tulog. May cr at wash area sa loob. At eto, para sa mga prone sa motion sickness, turbulent ang ride. As in parang bangka sa maalon na dagat. Pero sa kin, okay lang yun, parang hinihele lang. Hehe
Pauwi na to to Manila.
Dapat 4:30 am kami dadating sa Naga. Dumating kami magsi 6am na. Delayed yung tren. Sa station, nameet namin sina Ate Eden at nagdecide silang sumama sa min. Ayun, 8 na kami. Yey.

The Bus to Daet
Sa Naga Central Bus Station kami sumakay ng bus papuntang Daet. (Idea ko. Ayoko kasi ng van that time kasi baka masikip. Nagsisi ako hahaha) Php 110 ang pamasahe. Okay naman ang bus, yun nga lang sobraaaang bagal. As in yung 2hrs na biyahe ay naging 3hrs. TT_TT

The Van to Paracale

Dumating kami ng Daet mga alas 9 na. (sabi ko kay kuya alas 9 kami dadating sa Paracale. Hehe) From there, sumakay kami ng isa pang van papuntang Paracale. Php 60 yung pamasahe. Siguro mahigit 'sang oras galing Daet to Paracale. Yun nga lang, mejo matagal umalis yung van.

At Paracale
Dumating din kami sa Paracale sa wakas!. Ibinaba kami ni Kuya Van driver sa may kanto ng fishport sa tapat ng Petron. Nagtext ako kay kuya contact na andun na kami. Ilang minuto bago nia kami nasundo dun. Bawat dumadaan, pinaghihinalaan kong si kuya contact. Haha finally dumating siya, at nagkamukha narin ang kuya contact sa isip ko. Haha.

Meet and Greet Kuya Nelson
Siya yung contact na nakuha ko from my friend. Php 1800 yung una naming napagkasunduang price per person (kasi nga 5 lang kami). Nabawasan yun nung walo na kami. Sagot na ni kuya ang lahat: pagkain sa camp (lunch, dinner, breakfast), pag-set-up ng tent at yung boat ride (na may life jackets). Wala ka na iintindihin kundi sarili mo. Haha. Kapag umulit kami ng Calaguas, siya pa din kokontakin ko. Okay siya mag-alaga ng guest. :) Number ni kuya Nelson: 09203179315 Mejo tipid nga lang siya mag-reply (actually  yung misis nia ata me hawak nung phone), madalas 2 letters lang. As in Ok. Haha Nagpaparent din ata sia ng boat lang, not sure lang kung magkano.

The Longest Boat Ride
Tama sila, maalon nga papuntang Calaguas. Dadaan kasi ng  Pacific Ocean (nakaka-amaze yung thought na nakapaglayag ako sa Pacific Ocean. *_*) Di naman masyadong nakakatakot. Keri lang. Mas maalon pa yung PNR. Haha. Yung nga lang, napakahabang boat ride. 3 oras ata kaming lumulutang-lutang sa dagat. (Yung passenger boat papuntang barrio sa Calaguas, mabilis. Haha) Tapos yung akala mong yun na  island, di pala. @_@ Interesting naman yung sights nung malapit na: rock formations, rolling hills, long stretches of white sand, tas yung parang mini-falls sa mga rock formation. Cool.


Gandaaaa!
Pag daong na pag daong nung boat namin sa Mahabang Buhangin, laro agad kami sa buhanginan. Lahat ng ngalay at hassle na pinagdaanan, nakalimutan na. Haha.

Calaguas. Finally.
Eto ang planong pinagdaanan.

No comments:

Post a Comment