Pages

Tuesday, January 10, 2012

Calaguas Adventure 1 : Panic Planning

"At every given moment we are absolutely perfect for what is required for our journey. "
- Steve Maraboli, Life, the Truth, and Being Free
Last year ko pa gustong-gustong-gustong sumakay sa PNR Bicol Express Sleeper train. Di pa kasi ako nakakasakay ng tren papunta sa malayong lugar. Kaya nung lumabas yung idea ng pagpunta sa Calaguas, naisip kong magtren nalang kami papunta dun, kahit mejo malayo ang Naga sa Paracale. :P

The Planning Stage
Dahil di talaga ako maplano ng lakwatsa (usually, inaasa ko sa mas organized mag plan, or kung ako lang naman ang gagala, slight research lang), mejo panic mode ako nung maassign ako magplano. Tipong, sigurado ba 'tong mga kaibigan kong ipagkakatiwala nila ang buhay nila sa kin??! Haha.

Pero di naman ako nahirapan maghanap ng contact bilang last year, may mga kaibigan na kong nagpunta sa island na yun. So nagtext ako sa contact na yun, nagreply siya ng Ok tas sunod ko na ng inisip is yung train ride. Tawag ako ng tawag sa PNR, di ako makakonek. Kaya akala ko, di na kami makakapagtren. 3 days before the trip, ipinasa ko kay Aria ang pagkontak sa PNR. At ang galing, nakapagpareserve siya ng tickets! Yehey!



Anyway, balik sa Calaguas planning, andami kong di naconsider.
1. Yung panahon. January nga pala. Not the best month to go to an island, considering the rough seas and the fickle-minded weather. Sa Bicol pa naman, mas normal ang umuulan.
2. Yung pagkakaroon ng life jacket. Inaassume ko agad na meron yung package. Meron naman. Kaso pano pag wala pala eh no? Haha pero meron naman.
3. Oras. As in yung travel time. Nasanay kasi akong walang sinusunod na schedule and anything goes.
4. Budget.Kasi anything goes nga. Haha.

Sa 3 item palang na yun, andami nang pwedeng maging mali. Unti-unti kong narerealize yung mga issues na yan habang lumalapit ang oras, lalo na nung nagsisimula nang magbackout ang mga tao. Buti na lang, yung natira, sure akong game sa kahit ano. :P

Kinonsidera din naming mag DIY  (kasi hindi agad nakareply si contact person) at sundin ang ITI na makikita sa blogs. Last minute nagpaplano kami kung pano gagawa ng makeshift tent (plastic cover idea ni Aria), nanghiram ako ng cookset and stove (salamat Kuya Ronx!), at maglista ng kung anong dapat dalhin sa isang camping sa island. Mukha na siang impromptu. Hahaha.

Dahil andami ngang pwedeng maging mali sa trip na 'to, ginawa ko siyang faith goal number 1 for 2012. As in pray ako ng pray na:
1. sana, kahit parang imposible, eh maganda ang panahon.
2. may lifejacket yung passenger boat (na balak naming sakyan sakaling magDIY nga kami)
3. di masyadong maalon, kahit sabi nila maalon.

Naglilista na rin ako nung ng mga pwedeng puntahan sa Naga, in case na di talaga pwedeng maglayag. Andami ko tuloy nalaman na pwedeng puntahan. Humahaba ang listahan ko ng unfinished business sa Bicol. Haha

Mga 2pm on the day of the trip, nagtext si contact person. Pwede na daw maglayag! Weee~ After some considerations (kasi mejo sold na kami sa idea ng DIY trip), um- Ok ako kay kuya. Mejo napanatag na rin ako kasi kahit papano, alam kong di naman siya mag-go go kung di talaga pwedeng maglayag.

At eto na, ang trip na talaga!
After ng mahabang byahe, eto ang nagpawala ng pagod namin.

No comments:

Post a Comment