Pages

Wednesday, January 25, 2012

Banaue - Sagada Adventure with ClubTravelNow Highlights

...and finally, Sagada!

Eto ang unang town na napuntahan ko na may chimney talaga ang mga bahay. Napakalamig. Karamihan ng establishments, may 'haus/house' sa dulo yung pangalan. i.e Sagada Lemon Pie House. Yoghurt House. Sikat ang yoghurt dito, di lang namin matsambahan. Tsaka exercise galore mamasyal, madaming paakyat-baba. :D

So sa Kanip-aw kami magsistay. Hangganda ng location ng bahay na yun. Pag labas mo ng room, babatiin ka ng napakagandang view ng pine forests at rock formation. Clear din ang view ng sky pag gabi, so pwedeng-pwede mag star-gazing. :D






Our rooms. May hot and cold shower nga pala. :D

After masettle ang room assignments, nag lunch kami sa Sagada Lemon Pie House. I ordered fried chicken (wala naman din kasing 'indigenous' na pagkain sa menu.) Laki ng serving. Kaso, di umabot sa expectation ko yung lasa nung chicken. Parang bland. Pero may fries. Fresh potatoes yung ginamit. Sarap.:9

Umorder din ako ng lemon pie. Ayun, ok naman. :D
Mejo matagal din na-serve yung food namin. Isa lang kasi yung onduty na server. Naisip ko, if ever mag-stay ako for a month sa Sagada, madali ako makakahanap ng trabaho as waitress. Mukhang mataas ang demand eh. Hehe.

Trivia/Chismis: Nagwork daw si Bb Gandang Hari sa Lemon Pie House dati,. Hmm. Pakiverify? :D

2 comments:

  1. Bb. Gandang Hari never worked at the Lemon Pie House. He stayed in Sagada to stay away from the media and all the rumours surrounding him/her. Pero he/she had been good friends with the owner of the Lemon Pie House and spent most of his/her time at the pie shop .

    ReplyDelete