Pages

Thursday, January 26, 2012

Banaue - Sagada Adventure with ClubTravelNow Highlights

Spelunking.
Fancy term for caving. Or pwede ding fancy term para pahirapan ang sarili bumaba sa mabato, madulas at ma-bat shit na daanan para lumusong sa napaka lamig na tubig. Ice cold tubig.

Eh ba't ginagawa pa eh mukang mahirap naman?

Kasi ang magandang tanawin,mas lalong maganda pag mahirap marating. Oha.





Eto yung pinaka scary (pero doable) na part nung activity. Kelangan kong paulit-ulit na iassure yung sarili ko na di ko naman mabibitawan yung lubid. haha


Curtain rock formation. Madami pang iba sa loob.

With ClubTravelNOW pips. 
Pero wag ka. Kumbaga sa game, level 1 palang yan. May boss level spelunking pa (5 hrs daw ginagawa). Gusto ko itry next time!

Ulitin ko lang, ice cold yung tubig sa loob. So sigaw ka na lang (woooo!) para mabawasan yung lamig.

Pero bago kami lumusong sa Sumaging Cave (yun yung cave na yun ^ ), dumaan muna kami ng Lumiang Cave. Dun dati ang huling hantungan ng mga taga Sagada. Tinigil na ata nila ang praktis dahil madami turista at siyempre, di kaaya-aya ang amoy ng decomposition.

Maganda yung pine forest na madadaanan papuntang caves. Nakakawala ng stress (na nakukuha sa pagpanhik-panaog sa mga caves. Bahaha)


Huuuuuggggg! >:D<


Ansarap matulog after nung nakakapagod na activity, but no, hindi pa pwede. Dinner muna sa sikat na Yoghurt House. Note, pag sinabi nilang 930pm close na sila, totoo yun. Di talaga sila nag-eextend kahit madami customers at manikluhod ka. haha. From the name, pwede sabihin na Yoghurt specialty nila, pero di naman natry. Maliban dun sa dressing nung mga gulay, na malamang di ko trinay. Hihi. Pero okay naman yung natikman kong pagkain. Group meal, tig Php180 kami. :D






Sobraaang sarap. Pwede nang Mrs Fields. Haha Php 100 per pack.


May mumu ata sa store nila. Pero  baka chismis lang. :P

No comments:

Post a Comment