Pages

Tuesday, August 30, 2011

Discoveries

Amazed at how much you can learn about a person from reading his blog posts. Ang lalim mo pare! Ohoho. I'm so sorry I've judged you as shallow before. Never will I think that you are just pa-cute. I would really like to be your friend, in a non-chepar sort of way. Haha. (And I hope nobody misinterprets this post as sarcastic because it's not. Seriously. Sincerely.)

Dear Lord, damihan nio pa po ang mga taong malalim mag-isip. Tas pakilala nio sa kin, ha? Amen.

Sunday, August 28, 2011

Long Weekend 2: Earth Run 2011

3:00 am ako nagising, inaantok-antok na naligo, at nagbihis (isang mahabang paghahanap muna ng UP shorts ko ang naganap. Haha. Handa na kong mambulabog ng buong bahay mahanap lang yun, buti na lang nakita ko rin sa ikatlong drawer.)
Mag-aalas kwatro na ko natapos maghanda, at eto, bumuhos na ang ulan. Bumuhos lahat ng determinasyon kong tumakbo palabas ng katawan ko. Balik akong kama, at nakakaasar, humina ang ulan. Tapos huminto. Badtrip. Nakahiga akong nagdadasal na sana lumakas ulit, para wala akong pagsisihan later. Anlakas ng tawag ng higaan, hahaha.

Saturday, August 27, 2011

Long Weekend 1: GL's 19th

1. Happy 19th beloved UP Green League! <3
Napag-usapan sa KFC ang isang coffeetable book of GL experiences. O, eto contribution ko:
  • Sa GL, natutunan kong bawal manguna sa pambibintang kahit malakas ang feeling mo na tama ka dahil baka resbakan ka at ikaw pa ang mamatay. #killer
  • Sa GL, natutunan ko kung ano ang saudi, teleserye, at marami pang ibang pose. #camwhoremoments
  • Sa GL, natutunan kong ang mga taong takot, walang matinong picture sa CP Garcia #cp-garciapictorial
  • Sa GL, natutunan ko na habang mas buwis-buhay ang isang Sakay, mas lalong gusto siang ulitin ng mga tao. Sige na ulitin na natin, bilang academic na bundok yung inaakyat namin nun ni Cere habang nasa Majayjay kayo nun. #majayjayexperience

Friday, August 19, 2011

Why I Love My Mother (Reason # 3) -- An Entry to Let's Go Sago Contest

I've traveled so often after graduation that my mom had gotten  used to this sort of conversation at home:
Me: Ma, alis ako ah? 
Ma: Saan? Kelan?
Me: Cebu. (sheepish grin) Sa weekend (which was then 2 days away. haha)
Ma: Ah okay. Mag-uwi ka ng otap ah.

I'm so glad my mom is so lenient with my trips. Because if she isn't, I won't be able to experience:

Wednesday, August 17, 2011

Ikaw na.

Talent mo yun no? Ang galing. Ang galing mo bumitaw. :|

Monday, August 15, 2011

Hangga't Wala Kang Sinasabi

Hangga't wala kang sinasabi 
           hanggang tingin lamang ako.
Hangga't walang naririnig, 
                           ang interes ay nakatago.
Hangga't ang tapang na inaantay mo
                                          ay nananatiling malayo--
Hangga't wala akong naririnig-- 
                                           hanggang pangarap lang tayo.

Sabagay, malay ko ba, 
            baka ako lang ang may naiisip na ganito.
Bumubuo ng haka-haka at hinuhang sintunado,
          batay sa kilos at salita mong 
                            sa totoo lang ay malabo--
kaya't hangga't wala akong naririnig na pag-amin mula sa'yo,
          hanggang sikretong kilig--
          palihim na pagtingin--
          at patay-malisyang ngiti
na lang muna ako.


**inspired by A Crazy Little Thing Called Love (Yung Thai movie). Sobrang nakakakilig, pero may point na nalungkot ako sa sobrang katorpehan ni P'Shone. XD

Tuesday, August 9, 2011

What are Dreams Made of?


What are Dreams made of, daddy?
Are they sweet and sugary,
pink like cotton candy?
They are like cotton candy, sweet at first,
then they bite my tongue and kick my teeth.
Why do my Dreams have to be so far away,
that I'd have to run harder and faster just to reach them halfway?
Can I not have them handed to me, in red be-ribboned box,
why do I have to fight so hard--
and push all my luck?
It's just that while chasing my Dreams can be fun a lot of times,
There are days that I feel I'm out of reasons to try;
and today's one of those :( 
and there's nothing more that I like than to sit at the floor
and stare as my Dreams run out of the door.
Oh, how I want to chase them, yes I really do!
But my poor heart's beating too fast, I feel it might burst.
If I sit down and wait for my heart to calm down...
do you think there's a chance that I'd catch up with them at all?

You may not believe me...

...but really, it was a difficult choice.
My heart feels really heavy now. I hope I forget this awful feeling soon.

Sunday, August 7, 2011

Masskara Festival and The Things that I've Never...

I've never been to Bacolod.
I've never seen a festival (or for that matter, THE MassKara festival);
I've never felt my heart beat in rhythm with the street drummers' drum
(there must be street drummers in MassKara, right?);
I've never felt an urging for my feet to dance
and my body to sway in time with the dancing and swaying
of thousands of people in the street;
I've never had my eyes drown in the profusion of colors
and the sight of bizarre, breathtaking, awesome masks--
all of which are inanimate, yet so alive.

Thursday, August 4, 2011

Hey, Stranger

PasikBlogan Challenge #2: Random Strangers

Take/Find a photo of a random stranger, post and blog about that person speculating on his/her thoughts, who he/she is, etc.




hey stranger
who stare at me
out of such empty eyes,
would you ever
ever know why?
my soul is heavy
with your sadness;
my heart is aching
with your pain...
and my hope so weak
against your fate--
why am i
so inadequate?

Children are sleeping on the street

Wednesday, August 3, 2011

A Crappy Blog Entry about an Extremely Mundane Topic

PasikBlogan Challenge #1: “Write a crappy blog entry about an extremely mundane topic.”

Pero ano nga bang pwedeng i-post? 
Dahil wala akong maisip, itatype ko kung anong maisip ko.

Pagod ako ngayon. Tumakbo kasi ako kagabi ng tatlong paikot sa Acad Oval. 6.6 k yun. 58:50 ang time ko. Eh 45 minutes dapat para makasama sa climb. So tatakbo ulit ako ngayon-- and I'm dreading it. Pagod kasi ako. Kaya ko kaya? Bahala na.

May dapat din akong matapos ngayon. Pero di ko matapos-tapos. Ang dami kasing dapat isipin, di na ma-accomodate ng utak ko. Sana matapos ko yung dapat kong gawin (asa, eh eto nagbablog ako), para di ako maguilty sa pag-alis ko ng maaga mamaya. 

Ayun, dahil narealize kong dapat busy ako sa trabaho, hanggang dito na lang muna ang blog entry na 'to.

Hanggan sa muli.

PasikBlogan is a challenge for Bloggers to stretch outside their comfort zone. Learn more at the PasikBlogan facebook page.http://www.facebook.com/groups​/218954961483935/ 

Tuesday, August 2, 2011

Potter(forever)more!

First the Horcrux Hunt, then this:
I was like: Waaaaaaaaah I want to get in early. When I opened Pottermore,  the notice said that registration for day 1 is already closed. :(