Pages

Thursday, April 28, 2011

Friendster induced trip down the memory lane.

Haha. Di ko akalaing tama ang pagkaka-alaala ko ng URL ng friendster blog ko. Akala ko kasama syang nadelete ng account ko 3 years ago.

At kahit nandidiri ako sa paraan ng pagbablog ko nun (txt language grabe) eto ang ilang nakakatawa (at interesting minsan) na snippets:
(oldest - newest entries)
1. ang saya grabe… exciting ung laban ng u.p!!! at nanalo ha!! un na ang pinakamasaya dun..
2. GO CAROLING IN POLICE STATIONS, CITY HALL, FACULTIES, ETC. IN WHITE, VENUS CUT-STYLED DRESS—- AND BAREFOOTED. (oo, all caps. yiiiikes. haha. pero fond nung memory-- winning 1st place in choral competition in my 3rd year in highschool. )
3. bakit kaya ganun no?? alam mo ung super review and then ma memental block ka lng.. kaasar!!
4. miss ko na west ... pati ung nagsexerox kahit masungit xa.. 
5. may mga malibayers kaya sa mga 4th yr ngaun sa west??

   may sessions rin kaya cla tuwing uwian??

   sa library  rin ba cla gumagawa ng assignments at projects sa ayaw at sa gusto ni maam balgos??
6. (on cs11 MP) Oh no…not another one….

Monday, April 25, 2011

Easter Sunday at UP

Mahabang lakaran sa mga madamo at mapunong lugar. Haha. Tipong Philcoa-TechnoHub-GT. Kawawa ang nakahigh-heels. Hehe

EcoPark with Pamangkin

Isang Sunday, naisipan naming ipasyal sa EcoPark ang iyaking batang to. 
Pinaiyak ko talaga para mapichuran ng may luha. Hihi. Joke lang. Baka ma-Bantay Bata ako. XD
Ang pamasahe mula Cabrera, Pasay papuntang Eco-Park sakay ang isang SM Fairview-bound bus ay Php 55. Bumaba kami sa Winston (lagpas ng Puregold, North Fairview) at sumakay ng trike for Php 20 each. (Rip-off ata 'to. Di ko na kasi maalala kung magkano dati, kaya di na ko umangal.)

Tuesday, April 12, 2011

Pangalawang Hirit sa Unang Hirit


Ayoko na talaga nung una. Pano ba naman, kelangang gumising ng 2:30 am para sa taping. >___<
Pero ayun, natuloy din.
Sinundo ako ng isang black na van na may plakang ZTS 249 sa tapat ng Jollibee Philtranco. Ang aga ni kuya Rudy, quarter to 3 andun na sya. Wow.

Akala niya yata mag-eextra ako sa kung anong palabas sa 7, kasi ang dami niyang payo sa buhay. :)) Wag daw ako maggigive-up kahit Php500 lang ang bayad kada shoot. At dun ko nalaman kung magkano ang kinikita ng mga extra. FYI: wala palang bayad yung mga fillers, ang may bayad yung mga nasa front line ng crowd. Hahahaha.

Monday, April 11, 2011

Sssssssplashhh! *splash!*

Friday. Maagang (actually late na. Haha. Nung nagtext si Cere at nagreply akong paalis na, maliligo palang ako nun. Haha) nagising para pumunta ng Splash Is. na di namin alam kung pano. Haha. Basta ang balak magkikita sa Cubao, and from there, bahala na. :P

Mrt Ayala  na ko nung magtext si Cere na bumaba na ko at sumakay na bus pa-Alabang. Sa Guadalupe ako nagdecide bumaba. Maya-maya nagtext, Pacita na daw. Buti na lang di pa ko sumasakay ng bus. XD

It's a nice day to be out. :)

Wednesday, April 6, 2011

Mga Aral sa Buhay

Kagabi, nagsimula akong mag-aral lumangoy kasama ng ilang kaibigan.
Marunong naman ako lumutang, kaso mabilis kapusin ng hininga at mapagod, kaya takot ako lumangoy. Keri ko naman ang snorkeling basta't may lifejacket (kahit wala na helmet. haha).

Gusto kong manalo ng $25 :D AT kung gusto mo din...

Wala nang intro, kung blogger ka, OFW man o hindi at gusto mong manalo ng $25 sundan mo ito;

1.Magregister sa Tambayan ng Pinoy Bloggers

2.I-blog ang pa-contest na ito sa inyong pahina at siguruhing may link ang Tambayan sa inyong article

3.I-post ang link ng inyong article dito

4.Ayun! May isang entry na kayo sa pa-raffle ng Tambayan.