Pages

Sunday, October 30, 2011

Xamantha Khaylie Rhein

Dahil may business ang kapatid ko somewhere at si Mama ay may duty din somewhere at si Jejebrother ay tulog maghapon kapag Linggo, ako ang napag-iwanan kay Kakai, pamangkin ko. Mainit sa bahay kaya nagpasya akong sa mall magpalipas ng oras kasama siya, at manood ng sine: Puss in Boots sana.

Madami akong natutunan tungkol sa pamangkin ko sa buong araw naming pagliliwaliw. Oo nga't magkasama kami sa bahay, pero madalas andun palagi si Mama at si Mavic para "saluhin" siya sa mga "asungot" moments niya; bukod pa sa maghapon akong nasa trabaho most of the week. Kaya ang Kakai na kilala ko ay cute, malinis, palatawa, makulit pero hindi nakakainis at pwedeng i-ignore pag nagtatantrums. Kulang na lang ilang attributes, manika na: pwedeng i-off pag ayaw mo na kalaro. In my niece's case, ipasa sa iba pag pagod na ko maglaro.



Bago pa kami umalis, binasag na niya ang unang attribute ko sa kanya: malinis. Aba, pumupoo ba naman. Natry ko na dati maghugas ng bata pagkatapos dumumi, pero matagal na yun at out of practice na ko. Sa potty pa sia pumupoo. Kailangan ko din linisin yung potty. Yak. T.T Anyway, nagawa ko naman siya linisin, pinaliguan ko na din. Nakalimutan ko, ayaw niya pala maligo ng di warm water. Ayun, mejo umiyak nung pinaliguan ko (di naman masyado malamig yung tubig, pero malamig hehe), pero nung binihisan ko, aba, tumahimik. Natuwa sa damit niya, Barbie kasi. At tsaka dahil natunugan atang aalis kami. Tata, mwa? Pamilyar siya sa MOA, madalas siyang maipasyal dun. Tata tawag niya sakin.
Pretty eyes *_*

Ayaw niya pakarga nung papunta na kami sa sakayan. Babay ng babay sa lahat ng madaanan-- aso, padyak, mama sa kanto, mga bata. Balak atang magpolitiko paglaki. Haha. Pagkakita kay Jollibee sa may kanto, sabi, Tata, beee! Bee! Pero behave siya, di nagpumilit pumasok sa fastfood. Mas prefer ata niya ang MOA.

Sumakay kami ng jeep pa MOA. Agad siyang lumuhod sa upuan at dumungaw sa bintana. Tulad ko, mahilig siyang panoorin ang dinadaanan ng jeep. Saway ako ng saway. Kakai, kamay mo. Gusto mo maputol yan? Di ata ako naiintindihan, pero ipinasok naman niya ang kamay at umupo ng maayos. Nung malapit na mapuno ang jeep, kinandong ko siya. Maya-maya, tulog na. Pambihira. Bigat nito.
Yep, nakapose siya nian. Haha =))


Pagdating sa mall, nagising na siya. Derecho kami Red Ribbon para mananghalian. Pork yung inorder ko, tas may cake for dessert at mashed potato na side dish. Pineapple juice din. Nakalimutan ko, vegetarian nga pala 'tong pamangkin kong 'to. Pramis. Niluluwa niya yung pork. Ang ending, mashed potato at kanin ang kinain niya, pati yung side na kamatis at pipino. Ke bata-bata, hippie na. Ayaw din niya nung pineapple juice. Pero masaya siya sa cake na dessert. At nakakatuwa, behaved siya throughout the meal. Usually, di kami makakakain ng maayos sa labas kapag kasama siya-- ayaw niya sa babyseat, gusto niya ng sariling plato at kutsara para kalampagin at tinataob niya ang mga basong may laman. Pandemonium. Pero kanina, nakaupo lang siya sa babyseat, pumayag siyang ilagay ang seatbelt at di siya nag-insist ng sarili niyang utensils. Tinatanggihan niya ng maayos ang pagkaing ayaw niya -- No,no,no tata (bagong tuto lang niya ng salitang 'no') at pag pinilit, isinusubo, sabay luwa. Haha. Maluwalhating natapos ang lunch, at achievement-- neat and pretty pa siya.

Pumasok kami sa main mall. Kinalimutan ko na ang planong panonood ng sine, takot nga pala sa dilim ang pamangkin kong 'to. Sa bahay, kahit umaga at maliwanag, ayaw na ayaw niyang pinapatay ang ilaw. Nagwawala. Ayoko naman mag-aksaya ng pera para sa pelikulang baka iyakan lang niya kaya sa Toy Kingdom ko na lang siya dinala. Kabado pa ko nung una, baka magfixate sa isang mahal na  laruan... patay.


Pero she proved herself admirable. Masaya niyang kinakalikalikot ang mga demo toys, pero di siya nagtantrums para ibili ko siya. Tas nakakatuwa, picture lang gusto niya =)) Pag me gusto siyang laruan, sabi lang niya, Tata, chur, chur. Sabay yakap/upo sa tabi/ pose kasama ng laruan. Pag tapos, siya mismo ang magbabalik sa pinagkuhaan. Sana forever siyang ganun =))
Hello baby =)

Iniiwasan kong sabihin na Kakai, no. Ayokong isipin niyang madaming bawal sa mundo na di bawal sa ibang bata. Hindi ko din siyang pinipigilang hawakan ang laruang gusto niyang hawakan-- kahit pa pag nabasag eh malalagasan ako ng mahigit sanlibo. Naaalala ko kasi nung bata ako, iba ang patakaran sa buhay. Bawal mong hawakan yan, mahal, di natin kayang bayaran pag nasira.

Aliw na aliw si Kakai na itinuturo sa akin ang mga kalaro niya: Tata, Mouse. Babob (spongebob). Barbie. Baby. Aw-aw.  Nyam-nyam (lutu-lutuan). Para akong nag guided tour sa toy store, with my almost 2 year old pamangkin as the guide. Hinabol-habol niya yung kotseng de baterya na kinokontrol ng isang salesman. Boomboom, sabi niya. Itinuro din niya ng walang pag-iimbot ang fish, fish at mga baby gadgets na tumutunog-tunog at umiilaw-ilaw.

Nung magsawa kami kakalibot sa toy store, lumabas kami para maglibot sa mall. Nagpicture taking. Di ko talaga siya mapatingin sa cam. Ang turo ata sa kanyang pose, yung emo pose. Haha. Pero mahilig siya magpapicture.
Parang model lang ng ice cream oh.
Napadaan kami sa Chowking. Mahilig siya sa lobo. Konek? May mga lobong nakakalat sa may counter ng Chowking. Nakita siya ng cashier na itinuturo ang lobo, at kumaway sa kanya. Nagulat ako, pumasok siya sa loob ng Chowking, nagpacute sa cashier, at dumampot ng lobo. Aba, marunong na dumiskarte. Haha, proud tita here. Ngiti na lang ang pasalamat ko sa mabait na cashier.
Yung lobo na yun ang hinabol-habol namin sa malawak na MOA grounds. Nakakapagod, pero nakakatuwa. Maya-maya, napansin ko nakatayo na lang siya. Nakasimangot na, parang iiyak. Tata, ga. Nagpapakarga na. Napagod. Oras na para umuwi.

Habang naglalakad pasakay ng jeep, naramdaman kong lumapat ang ulo niya sa balikat ko. Hay, kay sarap maging bata: laro maghapon, libreng lobo, at tulog na lang kahit kailan.

P.S. Si Kakai ay produkto ng jejeneration, kaya puro 'h' pangalan niya. Disclaimer: di ako nakapag-intervene sa naming process.

Additional observation: di siya masyadong friendly. Ayaw niyang may kahati sa space na clinaim na niya. Walang nakatabi sa kanya sa inflatable na yan, tinutulak niya paalis.

4 comments:

  1. Natawa ako sa emo pose. Tapos naka-hood pa. emo na emo. =)) At in fairness, gusto ko 'yung ice cream model pose nia. :)

    ReplyDelete
  2. Haha cute niya nga eh. Tipong magpapapicture, pero pipichuran mo na, biglang titingin palayo. yun na pala pose nia =))

    ReplyDelete
  3. Ano kayang sasabihin niya kapag nabasa niya ito paglaki niya. =))

    ReplyDelete