Pages

Sunday, October 16, 2011

mulTREEply: A Tree Planting Activity at Nuvali

Okaaaay. Ansabog na nang order of posts sa blog ko. Haha. Well dear readers (aba, feeling madami readers =))) utang ( na loob) na lang muna yung remaining entries about my solo flight in da south. Okay? Okay~!
Emo tree sa may man-made lake sa Nuvali

Meanwhile, kwentuhan ko muna kayo nung about sa tree-planting na sinalihan ko nung Sabado (Oct. 15). Nakakuha ako ng invite from I Heart Pinoy (c/o ate Tin and ate Leah)  to join a tree planting activity sa Nuvali. Free lahat: pagkain at pamasahe. So san ka pa di ba?



Anyway, remember my a thousand trees goal? Naka 1.9% na ko. Woo~ Haha, okay (uhm, word of the night?) anlayo pa sa 100% pero pwede na. :D Planted 6 trees. Yay. And not the cutesy-sapling kind ha? Mejo malaki na yung 'seedling' na itinanim namin. Kung reliable source yung isang mommy na nakasabay ko sa pagtatanim, fruit bearing trees (i.e atis) yung mga itinanim namin.

Pero bago yung pagtatanim mismo, andami munang speeches na nangyari. Haha. Di pala siya yung derecho-tanim-wala-nang-program-program kind na tree planting na kinasanayan ko. Eto may program! Parang tree-planting party. Hehe. Dami sponsors. May libreng snow-whatever (basta yung may shaved yelo + flavor) at empanada (ba yun?) May face-painting, boatride, fish feeding at visor. May raffle pa. Lahat libre. Yun nga lang, antagal nagsimula. Nakapagfrisbee at sunbathing at nakinig ng speeches muna kami bago nakapagtanim ng puno =))
Demo ng tree-planting.
Ayun. so 6 lang yung naitanim ko. Masabaw kasi yung lupa, mabigat yung seedling. Tsaka anim lang daw per person. Wala lang, masabi lang. Haha. Buti na lang, kahit walang tulog, di naman ako masyadong sabaw. Yey.
Oble at night. Picture-picture habang inaantay si Cere sa Quezon Hall
Pano kasi, di na kami natulog ni Cere the night before the activity. Nagmeet kami sa UP ng mga 9 pm (ang haggard ng biyahe mo Cere!), kumain sa KFC, at pinalipas ang magdamag sa i29 (mga hanggang ala una y medya lang naman) nagpatalo sa DotA [suriii teammates! :( ] at nag-antay ng kasabay sa McDo katip hanggang alas-tres. Haha Feeling ko yung iced mocha ng mcdo nagbigay ng energy sa kin eh. Haha =))
Ayun.

PS. Nanalo din pala ako ng It's a Men's World ni Ate Bebang! Yay. Salamats! At san nga po ulit kita unang nakita? >.<

1 comment:

  1. Saludo namn ako sa pagtatanim mo! Laki ng maitutulong ng mga punong iyan kay mother earth!

    ReplyDelete