Pages

Monday, October 24, 2011

Ang Huling Lakwatsa ng aking Sapatos (Mt. Sembrano)

Salamat dear shoes. Maikli lang ang ating pagsasama (isang taon), pero madami tayong pinagsamahan. Unang jogging sa ultra (8 ikot, 3.2 k, lagpas kalahating oras. Dapat ata alay-lakad tawag ko dun). Akyat sa ikalawang pinakamataas na bundok ng Pilipinas (Mt. Pulag). Mga takbo at paghahanda para sa naudlot kong aplikasyon sa UPM. Ang una, ikalawa at ikatlo kong 10k na takbo at unang 5k. Dalawang tree-plantings. At eto nga, akyat sa Mt. Sembrano.

Ang mga magigiting kong sapatos
Alam ko naman, bago pa umakyat sa Mt. Sembrano, na di na kayo magtatagal. Pagkatapos ng akyat sa Mt. Pulag, medyo di na maayos ang lagay nyo. Humingi ako ng tulong kay ginoong Mighty Bond, at di naman niya tayo binigo-- agad. (nakatakbo, tanim at gala pa tayo. hihi) Sa kabila ng kaalamang malapit na kayo bumuka, umasa pa din akong uuwi tayo ng bahay ng kahit papano ay buo pa kayo.
Ang sementadong simula
Nagsimula ang akyat sa sementadong daan, na agad ding nagtapos sa mabato at maugat, at malambot na kalupaan. Hmm, so far, so good. Hindi pa tayo parehong nahihirapan. Umabot tayo ng tree house. Okay pa kayo, okay pa ko.
Ang tree house.
Ang batis

Kaya lang, paglagpas ng batis... lagot. Putik, tubig, bato-- ano bang laban ng naghihingalong sapatos sa mga ito? Wala. Pagdating ng Manggahan, bumuka ka na, kanang sapatos, samantalang si kaliwa ay nakangiti na din, pero pigil pa konti. Hala. Pero dahil dapat magpatuloy ang laban, humingi ako ng tulong kay duct tape. Kaya lang, di katulad ni ginoong Mighty Bond, mabilis tayong binigo ni Duct tape. Nagpapicture lang siya, tapos humiwalay na sa inyo.
It's the fashion, yo!
Ang makikita sa Manggahan
Pero dahil magiting tayo, nagpatuloy ang ating paglalakbay. Di naman ako nahirapan sa paglalakad kahit tumutupi na ang suwelas ng kanan. Ganun kayo kagaling.Sa kabila ng paggapang paakyat sa mga bato-bato, paggapang paakyat sa putik-putik at damo-damo, at patuloy na pag-akyat, patuloy niyong binigyan ng ginhawa ang mga paa ko. Kahit ba kalahati ng suwelas ni kanan ay nakahiwalay na.
Akyat! (Mula kay Ana)
Ilang oras tayong umakyat, di ko alam. Pero sa wakas, nakarating din tayo sa taas (peak one and two and summit)! Ang gandaaaaaa di ba? Lahat ng pagod, hirap, kaba (at pasakit na binigay ko sa inyo), balewala lahat sa nakita natin sa taas. Ulan? Putik? Matalas na damo? Lamok? Sus. Yun na yun? (Hihi joke lang.)
Sabi mo pa: :D (Mula kay Ana)
Hay. Sabi nga nila, ang sagot sa madalas na  tanong mo sa sarili mo kapag umaakyat ng bundok at nahihirapan na ay:
Ang tanawing uubos sa hiningang muli mo pa lang iniipon pagkatapos maubos sa akyat. Bow.
Kaya mga mahal kong sapatos, yun ang dahilan kung bakit kahit pare-pareho tayong nahihirapan eh sige pa rin tayo. Dahil ang tanging nakakaabot sa mga ulap ay ang mga taong nagpapatuloy pa rin sa pag-akyat kahit sira na ang sapatos; at mga sapatos na hindi basta-basta bumibitaw, kahit kalahati na lang ang nakakapit. :) Salamat sa lahat, at pangako, di ko kayo itatapon.

**************************************
Mga pasasalamat:
Siyempre bukod na inanimate kong sapatos, salamat:

  • Ate Leah, sa pag-imbita, pag-asikaso at overall na saya ng experience. More! 
  • Ate Ana, sa pagiging nanay mode, sa pagkuha ng madaming larawan at overall na saya ng experience. More!
  • Ate Keevee at Kuya Miguel, sa pagkain, sa pagsabay sa pag-uwi at sa overall na saya ng experience.  Sana di kayo nadala, lalo na si kuya =))
  • At sa lahat. Salamat. :) Ang saya! (Special mention ang Lagabag boys, salamat sa pag-alalay at pagsishare ng inyong expert mountaineering knowledge :D)
PS: Salamat Kuya Ronx sa mga takbo-takbo. Dahil dun, no more hilo sa akyat na to =))


*************************************

Pahabol:
Ang saya nung grass/mudslide. Wee~ Kabog ang Magellan's drop ng Splash. Hehe

Pahabol muli dahil tinatamad na ko mag-edit: di pala kanan yung bumuka ng bongga, kaliwa pala.

Para sa mas maraming (blurry) na larawan

3 comments:

  1. Bumili ka na ng bago, yung masmatibay. Hahaha. Naalala ko din yung sapatos ko ng pula, bumigay din sa Mt. Daguldol, pero sa buhangin palang sa dagat sya bumigay (kumain sya ng madaming buhangin at uminom ng madaming tubig dagat), hindi sa pagakyat sa bundok. haha

    ReplyDelete
  2. Dami nyo na din pala pinagdaanan ng dear shoes mo! Hirap nga itapon lalo na at napamahal na sayo at nakasama mo sa mga adventures mo.

    ReplyDelete
  3. @Cere, bibili na talaga ako. haha
    @anney, yep. sabi ng mama ko ba't kelangan ko pang itago, eh sira na nga. :|

    ReplyDelete