Pages

Tuesday, September 27, 2011

Laruang Apoy


Anong pinaka naaalala mong laruan?
Ako, yung lutu-lutuan.
Dahil pangarap ko dati ay isang kalan
na may mukhang totoo, pero di nakakapasong apoy.
Naalala ko pa, nang minsang kami'y gumawa
ng kalan-kalanan sa likod bahay. Gamit ang mga bato
bilang kalang, at lata bilang kaldero,
nagluto kami ng malunggay at lilang bunga ng alugbati.
Pero bago pa man namin matikman ang sabaw 
na kami ang nag-imbento--
nauna na ang lupa. Tinapon ng nanay ko ang sabaw,
pinatay ang pangarap kong apoy...
at ako ay napalo.





No comments:

Post a Comment