Pages

Sunday, August 21, 2011

Magtanim (ng Puno) ay Di Biro...

Nung June 14, 2008 ako unang nakapagtanim ng puno.

Sa pagkakaalala ko, walo yung natanim ko. Pero base sa picture na 'to (1 finger = 1 tree planted), pito lang daw? That would make my total number of trees planted to a dozen. Just a dozen, in a span of three years. I have no idea how many of those seedlings survived.

Ang konti. Sabi sa quote sa ecopark by some Chinese philosopher (ata. basta), "the best time to plant trees was a decade ago. The next best time would be today..." That's why I was really enthusiastic when Ana announced a tree-planting activity with Haribon somewhere in Rizal. Actually kanina ko lang naisip na gawing goal to plant as many trees as possible. Good thing there is a hint of continued partnership. Sana makapagtanim pa ko ng mas madaming puno through GL related tree-plantings.

I was able to plant just five seedlings kanina. Andami din kasing tao, at mejo maputik at steep yung terrain. Okay lang yung kaputikan eh, pero ang hirap kasing bumaba and all that. I have no idea kung ano yung mga punong itinanim, but I trust Haribon to know the best sort of trees to plant. :)

Ayun, so sabi ko nga diba:  may future tree plantings ang GL (I hope). Sa mga kaibigan kong gustong makibahagi, just let me know. :) Andaling magpaka-nega at sabihing baka hindi naman tumubo (pag mali yung pagkakatanim, malamang =P), pero if you're able to plant a thousand trees, kahit isa naman siguro dun magtatagumpay. Haha. At mahaba pa ang buhay, keri pa ng magtanim ng isang libong puno =)) (via FB)

Addendum:
Feeling ko magandang pang team-building ang tree-planting. Tingnan mo sila, mukhang nag-eenjoy:

2 comments:

  1. How nice naman! Di ko pa na try mag tree planting. By the way I'm a new follower.

    ReplyDelete
  2. Hi anney! Thanks, followed your blog too :)

    ReplyDelete