Pages

Saturday, August 27, 2011

Long Weekend 1: GL's 19th

1. Happy 19th beloved UP Green League! <3
Napag-usapan sa KFC ang isang coffeetable book of GL experiences. O, eto contribution ko:
  • Sa GL, natutunan kong bawal manguna sa pambibintang kahit malakas ang feeling mo na tama ka dahil baka resbakan ka at ikaw pa ang mamatay. #killer
  • Sa GL, natutunan ko kung ano ang saudi, teleserye, at marami pang ibang pose. #camwhoremoments
  • Sa GL, natutunan kong ang mga taong takot, walang matinong picture sa CP Garcia #cp-garciapictorial
  • Sa GL, natutunan ko na habang mas buwis-buhay ang isang Sakay, mas lalong gusto siang ulitin ng mga tao. Sige na ulitin na natin, bilang academic na bundok yung inaakyat namin nun ni Cere habang nasa Majayjay kayo nun. #majayjayexperience
  • Dahil sa GL nakita ko mukha ko sa dyaryo at nainterview sa TV. Buti na lang di sikat yung TV program, dahil nung ako na yung nagsasalita, puro dams at watershed na yung pinapakita nila. Para akong nagvoice-over ng isang dokyu about dams. 
  • Sa GL, natuto akong magdota. Hanggang umaga. #adikdotamoments
  • Sa GL ako natutong mag-frisbee
  • Sa GL, natutunan kong kahit nakaheels ka, di ka exempted sa mahabang lakaran. At natuto narin akong mag-expect ng mahabang lakaran everytime. Univ Ave to Philcoa? Sisiw. UP to Katips? Sus, common. Di pa pala natin naaattempt ang UP- SM North as an org. #lakadmoment
  • Palagay ko, among my 'contributions' as a former educ head, ang pinakatumatak sa mga orgmates ko ay yung discourse on the sleeping habits of fireflies. #dofirefliessleep
  • Sa GL ako natutong mag pusoy dos, eqyptian wars, bluff, go fish at kung anu-ano pang pampalipas oras na gumagamit ng cards. #cardgames
  • Sa GL natutunan kong iwasan ang straw, styro at plastic hangga't maaari. 
  • Sa GL ko nakuha ang aking travel itch. Ang org na 'to ang nag-pakilala sa kin sa napakagandang Pagsanjan, at dito ko narealize na one of my life's mission is to see as many beautiful places as I can. :)
  • Dahil sa GL nakasama ako sa 5-day envi youth camp sa Taal at 4-day camp sa Bulacan, at nabuksan ang mga mata ko sa iba pang isyu sa buhay. Di man ako sumasang-ayon sa madaming bagay na narinig/nalaman/natutunan mula sa mga karanasang iyon, itinuturing kong isang pribilehiyo ang pagkakataon na malaman ang mga nalaman ko mula sa mga pagtitipong iyon.
  • Sa GL ako nakahanap ng kasama sa madaming adventures sa buhay: mula sa pinaka-profound katulad ng muling pag-usbong ng pananampalataya hanggang sa pinakasabaw gaya ng dota live sa Sunken. 
Mukha lang puro happy trip ang mga sinulat ko dito. Haha. Baka walang maniwalang envi org ang GL. :)) Pero seriously, I think GL is very successful in churning out individuals who "advocate environmentalism as a way of life.". GL people Protect|Restore|Conserve all the way! :)

No comments:

Post a Comment