Pages

Sunday, August 28, 2011

Long Weekend 2: Earth Run 2011

3:00 am ako nagising, inaantok-antok na naligo, at nagbihis (isang mahabang paghahanap muna ng UP shorts ko ang naganap. Haha. Handa na kong mambulabog ng buong bahay mahanap lang yun, buti na lang nakita ko rin sa ikatlong drawer.)
Mag-aalas kwatro na ko natapos maghanda, at eto, bumuhos na ang ulan. Bumuhos lahat ng determinasyon kong tumakbo palabas ng katawan ko. Balik akong kama, at nakakaasar, humina ang ulan. Tapos huminto. Badtrip. Nakahiga akong nagdadasal na sana lumakas ulit, para wala akong pagsisihan later. Anlakas ng tawag ng higaan, hahaha.

Maya-maya, nagtext si Al, asan na daw ako. Sa isip-isip ko, pambihira, akala ko hindi 'to tatakbo? Eh nauna pa sa kin sa venue. Waaaah, gustong/ayaw kong tumakbo. Nagreply akong hindi na pupunta. 
Nagtext ulit siya, di pa din daw sia umaalis. At oo, mahirap tumakbo sa ulan. Payapa na ulit ang loob ko. Nagpost na ko sa FB:
Pero wala nag 'heavy rain' nung nagpost ako nian. Hahaha
Tapos maya-maya ulit, nagtext na naman si Al. Wala namang ulan eh! Sabi ko di na ko aabot (magpa-five na by that time). Nagreply sia: Ang kulit mo! 540 nga yung race. Assembly lang yung 5! Para kong naririnig yung matinis na boses ni Al. Tumakbo na daw ako.
At ayun, ang ending, eto:

P.S. First time ko tumakbo/ maglakad paakyat ng isang flyover. Nakakahingal.

PPS. Nabigla ako sa sarap ng Pocari Sweat. Ganun pala lasa nun pag sabik ka sa malamig na inumin. Haha. Nakainom na kasi ako nun before, pero ang naaalala ko, di ko gusto lasa nia. XD

PPPS. After event picture ko. Yun nga lang, nakalimutan kong sabihin sa pinaki-usapan ko na isama yung 'Earth Run' sa picture. T.T Ok lang, mukha naman akong masaya at di pagod. Hahaha.

PPPPS (last na pramis). Mukang may bago akong kaa-adikan bukod sa paglalakbay. :)


4 comments:

  1. >.< sori naman au. ok lang namang di ka magpapilit.

    ReplyDelete
  2. Ay, ganun ba yung tono? Sorrrrry, haha. Masaya akong nakatakbo ako, kaya thank youuuuuuuu sa pagtitext. =))

    ReplyDelete
  3. nakita mo na time mo? 1:27 sumting ka! :)

    ReplyDelete
  4. Hahaha oo, natuwa ko ng bongga! :)) Pero kelangan ko mareach ang 1:15 XD

    ReplyDelete