Pages

Wednesday, August 3, 2011

A Crappy Blog Entry about an Extremely Mundane Topic

PasikBlogan Challenge #1: “Write a crappy blog entry about an extremely mundane topic.”

Pero ano nga bang pwedeng i-post? 
Dahil wala akong maisip, itatype ko kung anong maisip ko.

Pagod ako ngayon. Tumakbo kasi ako kagabi ng tatlong paikot sa Acad Oval. 6.6 k yun. 58:50 ang time ko. Eh 45 minutes dapat para makasama sa climb. So tatakbo ulit ako ngayon-- and I'm dreading it. Pagod kasi ako. Kaya ko kaya? Bahala na.

May dapat din akong matapos ngayon. Pero di ko matapos-tapos. Ang dami kasing dapat isipin, di na ma-accomodate ng utak ko. Sana matapos ko yung dapat kong gawin (asa, eh eto nagbablog ako), para di ako maguilty sa pag-alis ko ng maaga mamaya. 

Ayun, dahil narealize kong dapat busy ako sa trabaho, hanggang dito na lang muna ang blog entry na 'to.

Hanggan sa muli.

PasikBlogan is a challenge for Bloggers to stretch outside their comfort zone. Learn more at the PasikBlogan facebook page.http://www.facebook.com/groups​/218954961483935/ 

No comments:

Post a Comment