Pages

Tuesday, July 5, 2011

Tingi-tinging Kwento

Iniipon ang mga tanong na parang barya
Iniipon para sa susunod na pagkikita.
Iniipon mga munting salita
Nang sa muling paglingon (kelan kaya?)
May masasabi na.
Ngunit... ang mga naiipong kataga
ay may mga pakpak,
Mga ibong nagsisitakas
di pa nga nabibigkas.
Kaya malamang sa susunod na pagtatagpo:
Pagkatulala, hindi kwento, ang muling
baon ko.

No comments:

Post a Comment