Pages

Monday, July 25, 2011

Nung Weekend na Namundok kami sa UP

Bitbit ang bag na may lamang 6 na litrong tubig, sleeping bag, damit at iba pang pang-bundok na gamit, sumakay ako ng pa Fairview na bus. Alas 4 ng umaga yun. Tinanong ako ng nakatabi ko kung saang bundok ako aakyat, ngumiti lang ako ng alanganin. haha. Weird kasi pag sinabi kong sa UP.




Ano nga ba kasing gagawin ko? Aattend lang naman ng isang Basic Mountaineering course. :)
Ayun. pagdating ng Philcoa, nagtaxi na lang ako papasok ng UP. Dumating ako ng Mainlib around 5:15 am, pangatlong dumating sa grupo namin. 5:45 am nung magcheck ng bags, and then we did some stretching and then off we go around UP carrying our bags. Daming napapatingin, kulang na lang kasi ng marching band and then it would be like 'the parade of backpacks'. :)

Pagbalik, punta na kami dun sa madamong side ng Mainlib para mag-aral ng:
  • Knots. 
  • Stoves
  • Ropes
  • Tents and temp Shelters
  • Bolo
  • How to select a good campsite
Info overloaaad. T.T Umulan nung tinuturo yung bolo, at inaantok na ko, so wala ako masyadong naabsorb. haha. Pero feeling ko madami naman ako natutunan. Anlabo. Haha :))

Ayun, so kinabukasan...
8 am na nagstart yung lecture, at wala na kaming dalang malaking bag. Weee~ Map-reading yung unang lec, at natutunan namin ang iba't-ibang features ng kalupaan (sana tama term ko. haha) na makikita sa mapa.

Nung hapon nagkaroon ng mala-Amazing Race na orienteering at pang 3rd ang group namin out of five. Haha. At least pasok sa one hour, at di na namin kelangan magperform. Yey. Naiwan ako ng mga groupmates ko, ang bagal ko kasi. >__< Haaay, pano kaya yung 6.6 k ko? :(

1 comment:

  1. Haha. Dahil dyan may awards ka. :D
    http://angelsalvogomez.blogspot.com/2011/07/you-deserve-these.html

    ReplyDelete