Pages

Monday, July 18, 2011

Cam Sur Day 1 (Ang loooooooong Island hopping trip)

Ang taxing ginto -- Alas 2 ng umaga ng bulabugin gisingin ako ni Angge-- oras na daw para magprepare. Biglang bangon ang drama ko. Haha. Timpla ng instant noodles for breakfast, ayos ng kaunti, pagkatapos ay sumakay sa taxing kinuha ng Jomckayl para sa amin. Php 2500 daw ang pamasahe papuntang Sabang galing Naga. Di na kami nakapalag. XD Sandali lang yung byahe, mga isang oras lang ata, kaya pagdating namin sa Sabang, mga isang oras pa inaantay namin bago tumulak ang ferry papuntang Guijalo. Tip: Php 1500 lang daw talaga pamasahe from Naga to Sabang. (around 2 am - 430 am)



Ferry ride, Guijalo port -- eto, it took more or less two hours. Dahil masyado kaming close, siksikan kaming lima sa isang bench. Tulog ako most of the trip. We docked at Guijalo port. Walang nagrereply sa mga susundo samin, kaya nagrent na lang kami ng trike papuntang Rex Inn sa Centro. (6am to around 8 am)


Rex Inn, Paniman beach -- Pagdating namin sa Rex sa Centro, nalaman namin na nagkasalisi pala kami ng sundo. So may 15 minutes pa daw  bago dumating yung trike kaya nagdecide kaming magtingin-tingin ng pasalubong sa Centro. Angge and Gulard bought pili, yung nasa shell pa. (100 pcs for Php 40)   I bought a Caramoan tshirt. Bumili na rin kami ng lunch: kinunot, laing and lechon kawali plus rice. Nakalimutan ko yung pangalan ng place (Caramoan Bed and Dine ata) pero sarap ng food dun supeeer. Pagdating ng sundo namin, simula na ng roughest ride ng buhay ko. As in. Alam mo yung feeling ng umaalog-alog sa trike? Ganun. Mga 25 minutes ang byahe, at pagdating namin sa Paniman narealize ko: uyyy, malapit lang ang La Playa (dun kami nag stay nung nagpunta kaming GL nung November). Pagdating namin sa resthaws, lapag lang nang gamit, then nagpractice ng jumpshots and then, dumating na yung bangkang gagamitin. Tinanong kami ni kuya Ramir kung short trip (Php 1500) ba gusto namin o long trip (Php2500). Dahil maaga kami dumating at para suliiit, nag long trip kami. On the boat ko na nalaman ang definition ng long trip. Hahahaha. (around 8 am - 9am)



Island hopping -- Ganda. As in sobrang ganda. You have to see Caramoan NOW,  bago sia maging commercialized. In a way, masaya akong mejo inaccessible yung lagoon sa tuktok ng mabatong bundok sa Matucad, kasi that means it will remain pristine for a long, long time. Thank you kay kuya Ramir na nagpicture nung place for us, since we can't climb. And since no words can adequately describe the beauty that we've seen, let's try pictures. :) (around 9 am - 5pm)


Food -- this deserves a separate section. Sarap! Siguro dahil na rin sa sea breeze, kaya nakakaganang tunay. Fresh na fresh. Dagdag pa ang kakaibang experience ng pagkain sa bangka on banana leaves at walang utensils. By wala, I mean kahit plato wala. XD

Summary of gastos for day 1:
Jomckayl room -- Php 1300/5 = Php 260
Taxi to Sabang -- Php 2500/5 = Php 500
Ferry to Guijalo -- Php 120
Terminal Fee -- Php 30
Trike to Centro -- Php 20
Lunch -- Php 314/5  = Php 62.8
Caramoan TShirt -- Php 170
Trike to Centro -- Php 150/5 = Php 30
Boat Rental -- Php 2500/5 = Php 500
Dinner -- Php 535/5 = Php 107
Piattos -- Php 14.00
Total = Php 1813.8

2 comments:

  1. yan ang maganda pag maraming ka share.Lumiliit ang gastos.

    ReplyDelete
  2. Siyang tunay Kuya D. =) Yun din mahirap pag mag-isa bumibyahe, ang mahal. T.T

    ReplyDelete