Pages

Saturday, July 16, 2011

Cam Sur Day 0 (Umi-esem naga)

Airport, airplane -- Sa wakas, aerial shots! Dati kasi kung di walang cam, may cam nga, lobat naman. Maliit yung plane, 4 in a row lang. At nakakabigla yung touchdown sa Naga, parang nilaglag lang ng naglalarong bata yung plane. XD (3:45-4:45 pm)





SM Naga (read: neh-ga) -- Short stop-over lang sa Jomckayl para magrest at maglapag ng gamit, then we headed to SM Naga for dinner. Binalak din namin mag CWC, kaso akala namin hanggang 8 lang sia kaya di na lang. But thanks to the intricacies of the Filipino language, may nagawa kaming sa Naga lang nagagawa, kahit sa SM lang kami pumunta-- ang mag SM Naga! Weee~ (Literally translated to: We SM- Naga-ed. Hahah Odiba?!) Dinner at Makiyaki, videoke (~Don't go breaking my heart... nanana... (silence)... nanana... ~Don't go breaking my heaaart..~) at Tom's World. Tip: Walking distance lang ang SM Naga from Jomckayl. (around 6pm - around 9pm)

From Kyle's cam


Jomckayl -- Our accomodation. We rented a room for 6 people (3 double deck, 1 cr, 1 tv, 1 fan, 1 exhaust fan, 1 aircon, 2 salamin). Wala nang tatalo sa pagkakacamwhoring na panlaban sa boredom, and camwhored we did. Wala rin atang tatalo kay Kyle sa kakulitan. And then konting tulog, kasi maaga pa kinabukasan to catch the first ferry to Guijalo Port. (9pm - around 2 am)
From Kyle's cam


Summary of gastos for day 0:
Toiletries from Mercury drug: Php 205
Mcdo lunch -- Php 111
Shuttle -- Php 20
Terminal fee -- Php 200
Taxi (metered)-- Php 160/5 = Php 32
Dinner at Makiyaki (Tonkatsu meal + bottomless ice tea) = Php 260
Videoke (5 songs) Php 50/5 = Php 10
Water + cup noodles = Php 37
Total = Php 875

No comments:

Post a Comment