Pages

Monday, June 13, 2011

Mt. Pulag: Walang Drama Version

Kwentong Mt. Pulag: Minus the Drama

Tatlo sana kaming friendship na nagsign-up sa Mt. Pulag trip ng ClubTravelNow. Sa kasamaang palad, inatake ng bacteria si Cere, therefore, di siya nakasama, at dalawa lang kami ni ate Leah (A.K.A Zai-- kelangan ko ispecify, may katukayo siya sa grupo namin, si Ma'am Lea) na natuloy.




Siempre, several days before, petiks mode kahit wala pa akong gamit. On the day of the trip itself na ko bumili ng mahahalagang gamit: uber kapal na socks, cute na peach gloves at sleeping bag, pati pala puro chocolates na trail food for more energy. 4 pairs of clothes din dala ko, bukod pa sa lahat ng jacket na pag-aari ko (mga 4).  Isa lang yung nabitbit kong medyo makapal na jacket, the rest parang mga pamporma lang. Haha. Bibili sana ako sa ukay, kaso ang haggard maglaba. Besides, nabasa ko somewhere, mas effective daw ang layers. May bitbit din akong doll shoes at slippers.

Friday night ang alis namin sa Manila sakay ng isang Baguio bound Victory Liner bus. Sa Tarlac nakabili ako ng bonnet at scarf. Sobrang naappreciate ko yung 2 yun, as in, nakatulong sila (feeling ko) sa panlaban sa lamig.

Pagdating ng Baguio  sakay kami ng jeep papuntang Pinkanjo para magbreakfast. Mukang hub sia ng mga Pulag bound mountaineers. Sikat kasi sa posts about Pulag. Dun na din kami bumili ng lunch. Jumbo-- as in jumbo, pramis-- yung fried chicken nila at parang pandalawang tao yung kanin na involve.

From there, sa tuktok ng jeep (in other words, topload) kami ni Ate Leah sumakay. Hold on for dear life ang drama ng buhay ko sa taas, samantalang 'my butt hurts' naman ang kay ate Leah. Feeling ko she swore off toploading because of that. Haha.
Di naman masyadong nakakatakot ang pagtatatopload, nakakatakot lang. Feeling ko everytime liliko si kuya, matitilapon ako sa bangin dahil sa kawalan ng malapit na makakapitan. Pero ang view, teh, soooobrang scenic. Too bad mahirap magpicture habang pinoprotektahan ang sarili. Haha.

After an hour or more ng byahe, we reached the DENR station for the orientation and registration. Short and sweet lang ang orye. May tindahan sa labas ng DENR ng mga gamit pang Pulag. Tipong bonnet, kumot, makapal na jacket and the likes. Bumili ako ng malaking blue plastic bag -- mas malaki sa itim na trash bag-- para gawing raincoat in the likely event na uulan. Wala kasi akong raincoat.

After that, it was a long and rodeo-like ride to the ranger station. Di na kami nakatopload-- di na kasi pwede dahil sobrang rough road. Sa ranger station pinaiwan sa min ang mga di namin gagamitin sa taas, and so I left most of my clothes. Yung mga jacket at iba pang panlaban sa lamig ang dinala ko. Ang backpack ko, mabigat pa din, pero di ako nag-attempt mag porter. May mga pagkakataon sa climb na pinagsisihan ko ang desisyong yun, pero nung naiisip ko namang nakatipid ako ng Php 250, kinocongratulate ko na lang ang sarili ko. Haha.

Eto na, ang trek. Di ko alam kung gano kalayo bago ako nagkandahilo, pero malapit pa lang yun, feeling ko. Haha. At nalito ako sa advice ng mga tao. Nung sa Taal kasi ang payo sa kin, put your head between your knees. Pero sa pagkakataong eto, ang sabi naman, wag ako yuyuko at magchewing gum para maging ok (sooobrang thank you po sa nagbigay ng bubble gum. :D). After a while, I felt a little better and moved on. The bubblegum must have helped.

Napakabagal na pag-akyat. Buti na lang may nakasabay ako hulihan, aside from Sir Pao na sia naming sweeper. Sobrang naaappreciate ko ang encouragement at pep talk nia. Haha. At sobraaang naaappreciate ko si ate Leah, who could have gone on a faster rate but instead chose to stay with me. Thank you both >:D<

Finally we reached the first kubo, There we had lunch. Dun din ako mejo nakabawi ng lakas para ipagpatuloy ang laban. Haha. Mabagal pa rin ang aming pace, pero according to Sir Ariel, we were just admiring the scenery. hahaha. Or sharpening the saw, if you prefer. Anyway, it was effective para di na maulit ang nakakahilong experience ko earlier.

We reached the 2nd spring kung san kami nagrefill ng inumin. Anlaaamig ng tubig, parang straight from the ref. Although mejo nawalan na ko ng tiwala sa salitang 'malapit na yun, 30 minutes na lang' nabuhayan ako ng loob nung sabihing malapit na talaga ang camp 2 sa spring. Sure enough, it was close.

Pagdating sa camp, napa-wow ako inside sa laki ng tent ng group namin. 2 bedrooms! Haha. Parang yung tent sa Harry Potter, minus the double deck, kitchen at library. Sa di maka-relate basahin ang HP 4, yung sa may Quidditch World Cup. Tuwa na sana ako kasi finally makakahiga na ko, and maybe even sleep before dinner. Pero 5 minutes lang ang kapayapaang ipanagkaloob sa kin dahil biglang umulan at binaha ang loob ng tent! :(( Sandali lang naman yung ulan, at mabilis namang naremedyuhan nila Sir Tristan at Sir Pao at iba pang Sirs (thank you po ulit! Feeling alagang-alaga kami. :) ) yung baha sa loob ng tent.

May CR nga pala malapit sa campsite, pero pit lang sia. Walang comfort sa comfort room. Haha. Pero for authentic mountaineering experience, panalo yun. :D

Nung natuyo na ang tent, we girls devised a really clever sleeping arrangement. Thanks to our unformidable heights, ayun nagkasya kami. Nung tinest namin yung arrangement, most of us natuluyan na ng tulog. Haha. We woke up for dinner, tapos tulog ulit kaso lang sometime in the night umulan ng malakas and we had to evacuate to a nearby emergency hut. Sayang nga eh, kasi mejo comfortable na kami sa tent, at di na masyadong malamig sa loob. Nabasa ng bongga yung sleeping bag ko, at mejo yung sleeping bag ni ate Leah.

Sa 2nd floor ng hut kami natulog, katabi ng mga porters. Sobrrrrrang lamig! I slept with my shoes on, dahil walang epek yung makapal na jacket na dala ko. Mabuti pa yung manipis na ITTC jacket, sobrang nakatulong. Pero yung makapal na jacket na pinantakip ko sa lower body part, walang nagawa sa lamig. Grabe. Nahihiya nga ko kay ate na katabi ko, kasi several times kaming nagising ni ate Leah, and everytime, nagigising din ata siya. XD

Mejo nakatulog naman ako at di naman masakit yung ulo ko nung 3 am wake-up call. Tumigil na ang ulan, at pagtingin ko sa langit, andaming star! Weeee~ Kinuha lang namin ang trail food at cam, and then off to the summit we went.

Dahil umulan during the night, maputik at madulas ang daan. Unti-unti ring nawalan ng powers ang head lamp ko. Buti na lang, Ate Leah was taking care of me. Tsaka buti madilim, di namin nakikita yung bangin sa gilid. Haha.

Sa trek na to ko na-experience ang worst hilo ever. As in I felt like  throwing up, ang lamig-lamig, parang naninigas yung dila ko, at nagbabuzz yung tenga ko. Kung di madilim, feeling ko gray na ang paligid, just like what happened in Mt. Daguldul, only two times worse. Naiiyak na ko sa sama ng pakiramdam at frustration. Pero ayaw lumabas ng luha, feeling ko makakarelieve sana yun. Sobrang hilong-hilo na talaga ako and I was saying na magpapaiwan na lang ako dun.

Pero siempre, Sir Pao never ran out of encouragement. After ng pinaghalo-halong efficascent oil, tsaka yung isa pang di ko maalala yung pangalan, at sankatutak na pampalakas loob at patience, lumipas din ang lahat. Nakamove na din ako, albeit slowly. Feeling ko lumubog yung puso ko dun sa point na akala ko malapit na pero di pa pala at '30 minutes pa'. Wah. Haha

Ayun, nadaanan naming papasikat na ang araw. Nakaakyat na ata sia nung finally, maabot namin yung summit. Sorry ate Leah :(

Pero pramis, pagdating sa dulo, nabura lahat ng ala-ala ng super-hilo moment. Nakakapag-jumpshot na ko! Haha. Ansarap nga pala nung polvoron na frozen, lalo na kung sa summit ng Mt. Pulag kinain. Anlakas-lakas ng hangin sa taas. Anlamig-lamig. At... anganda-ganda. Pramis.

After a while, bumaba na kami. Ayun, relatively easy na yung pababa, although di ko pa rin maiwasan ang pitstops. Haha. Dumaan kami at nagpapicture sa Sassy Girl tree , sa mga signs na nadadaanan namin (there is something surreal about signs na sa bundok makikita. ewan, pero parang... ah basta. ) Pagdating sa camp, we had breakfast and then pack-up na.



Siempre mas madali na yung pababa. Less hilo-moments at stops. Helpful si gravity haha. Hindi pa rin kami nagporter ni ate Leah, after all, sabi nga nia, 'Nabitbit nga natin paakyat, pababa pa kaya.'

Ayun pagdating sa ranger station, naligo ako. Anlamig ng tubig, as in parang kakatunaw na yelo yung tubig. Pero ganun pala yun, after a while, parang (sobrang) mainit na yung ibinubuhos mo sa katawan mo.

Tapos lunch, ang napakasarap na adobo na nagpawala sa wisyo ni Ate Leah. Nawaglit tuloy nia yung cam nia. Huhuhu. Di na ia nahanap, although we have high hopes na maiiLBC yun sa kanya pabalik, kasi manlilibre pa sia ng coke sakto.

Nag stop-over din kasi sa isang hanging bridge. Tumawid kami dun tas ang lakas ng pag-sway. Waaah. Nakakatakot. Pati yung tetanong maaari mong mapala mula sa mga alambre.

Nagpicture-picture din dun sa may ilog na malaki, at dadaanan sana sa dam, kaso sarado  kaya di na lang.

Pagdating ng Baguio, we ate at 50's diner. Di pala joke yung laki ng servings. Pandalawang tao, ate. At libre, care of sir Frank. Thank you po. :)

Tapos after dinner, punta na kami ng Victory Liner station. 10 pm pa alis ng bus so had free time to roam around. Gusto ko sana ng strawberries, kaso tinamad na kami magpunta ng palengke. Pano ba naman kasi, pati SM, elevated. I had enough hiking to last me till end of June. Hahaha. Sa terminal na lang mismo kami bumili ng pasalubong.

Akala ko magiging payapa na ang lahat pagkasakay ng bus, but no. Somewhere in Tarlac may bumato sa bintana ng bus na sinasakyan namin. Kelangan magdetour papuntang police station at maghintay ng matagal sa terminal for another bus. 4 am na kami nakaalis ng Tarlac, at around 6 na ko nakauwi ng bahay. Sobraaang pagod, di ko na maalala kung pano ko nabuhat yung bag ko paakyat ng bundok eh halos di ko na sia mabitbit paakyat ng overpass. XD Slept for an hour, and then went to work. Late.

PS.
ClubTravelNow organizes Mt. Pulag climbs(and other trips)  every so often. Visit their website for more info. I had sooo much fun with my climbmates and the only thing that's stopping me from doing this again is the DOMS (delayed onset of muscular soreness) I'm experiencing now. Haha.

2 comments:

  1. hahaha! nakaka-enjoy basahin ang walang drama mong kwento. naka relate ako ang tudo sa "walang comfort sa comfort room". from now on, fans mo na ako. pramis.

    ReplyDelete