Pages

Wednesday, June 8, 2011

Cebu Day 2: Historical Cebu

I. Taoist Temple
Ang taoist temple ay malapit sa IT Park. Madaming tao sa may clinic nung nagpunta kami ni Cere pero walang tao sa temple mismo. We asked permission sa guard dun to take pictures, pero sandali lang kami kasi maliit lang naman yung place at di kami umakyat sa 2nd floor. May nabasa ako about 81 stairs, pero di ko nakita yun.




II. Magellan's Cross and  Basilica Minore de Sto. Niño
After sa Taoist Temple, nag-attempt kami mag jeep ni Cere papuntang Sto. Nino, kaso laging puno ang mga jeep kaya nag taxi na lang kami. Php 100 yung pamasahe. Magkatabi lang ang Magellan's Cross at Basilica Minore de Sto. Niño. Madami tao kasi Sunday at may misa. Sa Magellan's Cross lang pwede mag picture, sa Sto. Niño hinde. Madami ding ateng nagtitinda ng kandila, at paglabas ng Sto. Niño, may magkakabit sau ng parang charms tapos sisingilin ka ng Php 20. Haha. Pero binalik ko yung sakin at di ko binili kahit gano pa ka-persistent si ate.

III. Pasalubong shopping at Shamrock
From Sto. Niño, sakay kami ng jeep papuntang Shamrock. Lumagpas kami (malapit lang sa Robinson's pala yun, yung unang McDo na madadaanan.) at napunta sa isang palengke. Hehe. Sakay ulit ng jeep pabalik, tapos ayun, sa Shamrock na. May mabibiling otap, mango jam, dried squid, dried mango at madami pang iba. After nun, tambay kami sa McDo for a while, then nagtaxi (Php 100 din ata) papuntang Cebu Country Club (katabi lang ng Taoist Temple yun, malapit din sa hotel) kasi sa tapat nun ang Ayer's Lechon. Akala kasi namin may kainan dun, yun pala, head office lang nila ang andun at sarado pa. May Ayer's din sa IT park, sa taas ng Starbucks, kaya nagdecide kami na pumunta na lang ng IT Park. Mahabang lakad papuntang entrance, tapos habal-habal at Php 10 papuntang Starbucks at pagdating dun... sarado pala ang Ayer's. Waaah. Goodbye Cebu lechon na ba? :((



IV. Fortune telling at the Taoist Temple
Naglunch lang kami sa KFC sa IT Park, then jeep papunta sanang hotel. Kaso pagod pa kami, kaya sa Taoist Temple na lang kami bumaba ng jeep. This time wala nang tao sa loob maliban kay kuya guard. Umakyat ako ng 2nd floor, pero wala parin ako nakita sa taas maliban lang sa parang isang prayer hall. Asan kaya yung 81 steps dun no? Anyway, pagbaba ko, kwentuhan ng konti with kuya guard. Tinatanong ko sa kanya kung asan yung nagpapahula. Hehe. Tapos dumating yung parang caretaker, tinanong nia ko if I want my fortune told and I said yes. Hehe. Ayun, binigyan nia ako ng apat na incense stick, one for each station na andun (3) at isa dun sa labas. Sinindihan namin yung stick dun sa parang stove. Tapos per station dapat titigil ka to say your name, address and question. Tapos pipili ka ng station. Di ko alam kung ano yung 2 pang station, pagkarinig ko kasi na ung isang station ay for business and travel, sabi ko dun na ko. Binigyan nia ko ng dalawang wood na parang C tapos magtanong daw ako tapos pag isa nakataob, isang nakatihaya. No pag parehong nakataob, at Maybe pag parehong nakatihaya. Magpoproceed ka lang sa next step pag 'Yes' na yung answer.

Antagal-tagal ko dun. Haha. Hanggang eventually nag-yes na din sia sa isa kong question. After nun, may canister na inabot sa kin na may mga sticks na may mga nakasulat na characters. Ishake ko daw yung canister, tas yung stick na uusli yun yung sagot sa tanong ko. Pero kelangan muna iconfirm, using the wooden 'C's. This time, one try lang. Yes na yes.

So after nun, kinuha yung pink paper na may nakasulat na chinese corresponding dun sa stick. Tas eto yung sagot daw sa mga katanungan ko sa buhay:


Walang bayad na entrance o kahit ano sa Taoist temple, pero may donation box. :D






V. Mactan Shrine
After ng hulaan portion sa temple, nilakad namin pabalik ni Cere ang hotel to claim our baggage. Cere decided na derecho na sia sa airport, while I decided to make a side trip to Mactan Shrine. Kaya nagbilin ako ke kuya taxi na ibaba ako sa SaveMore on their way to the airport. From there, sumakay ako ng jeep papuntang Punta Engaño (Php 9) at nagbilin ibaba sa Mactan Shrine.
Walang entrance fee sa Mactan Shrine, pero may donation box. Andun yung parang marker for Magellan tapos siempre ang machong-macho na si Lapulapu. May marker din sa mismong lugar kung saan napatay si Magellan. May souvenir shops din, at Php 100 yung tshirt na makulay na nabili ko.


VI. Airport
Mga 630 pm ako umalis ng shrine papuntang airport. 11 pm pa ang flight ko dapat kaso mas ok atang sa airport na lang tumambay, at wala naman akong maisip na puntahan sa Mactan na malapit. Pagdating sa airport nakita ko agad yung booth ng Ayer's sa tapat ng domestic departure at bumili ako ng half-kilo (Php 250) to take home. Yay! Akala ko uuwi ako ng luhaan sa lechon. Hehe.

Previously:
Day 0: The Storytellers
Day 1: White Sand Fun at Malapascua

Up, up next: Adventure above the Clouds: Pulag. Weee~

No comments:

Post a Comment