Pages

Monday, June 6, 2011

Cebu Day 1: The (Literally) Long and Winding Road to Malapascua... and more

Around 4 am kami nagising ni Cere. Ay wait... snooze... mga 430 pala. Haha. Shower ng konti, prepare ng bags, and then off we go.

At dahil ako ang role model ng pagpaplano, simple lang ang ITI namin. Makarating ng Cebu North Bus station, sumakay ng bus na may karatulang Maya-Bagay at bumaba sa dulong bahagi ng island of Cebu. Pagdating dun, sumakay ng bangka pa Malapascua, at pagdating sa Malapascua, ask the locals. All info as remembered from browsing the blogs. Who needs maps and guidebooks? Haha. 



Payapa naman ang araw na yun. Walang ulan. Weee. ~ Baon ang dalawang 500 ml na tubig (Php 10 each) at ampao- rice crispies (Php 35), sumakay kami ng Ceres bus papuntang Maya. Php163 ang fare. Wala nga palang aircon bus na papuntang Maya at Php 110 yung pamasahe namin galing hotel papuntang station. Haha labo. =)) Pero keri lang naman yung kawalan ng aircon, fresh sea air naman ang hahampas sa mukha at gugulo ng buhok mo for most part of the ride.  For the other part, pwede nama i-semi close yung window, presko pa din naman. 


May 2 stop-over. Nung una, dun sa may tindahan ng barbeque at puso. Pero bilang inaantok at tamad, di kami bumaba ni Cere. Di din kami bumaba nung 2nd stop-over.

Sabi sa blogs, mga 3-4 hours daw ang byahe. It felt like hoursssss. Haha. Tipong nakatulog ka na't lahat, pag gising mo, patuloy pa rin ang pagtakbo ng bus at di parin nagpapahiwatig si kuya kundoktor na dapat na kaming bumaba. Sabagay, di ko pala alam kung san bababa at di naman ako nagbilin explicitly kay kuya. Haha. Patay. 

Pag nakita mo yan, malayo pa. 
Akala ko andun na kami pagdating namin sa terminal ng Bogo dahil (1), may dagat sa background at (2) mukha namang wala nang daang madadaanan ang bus. Nagtinginan kami ni Cere, pero bilang tagasunod kami ng pilosopiyang hangga't may sakay pa ang jeep/bus, di pa tayo naliligaw, di kami bumaba. Haha. Nagpatuloy sa paglalakbay ang bus (thought cloud: di ba nauubusan ng daanan dito? Pambihira.) After minutes of trying to think pano kami babalik kung lumagpas kami and trying to convince myself na tama ang pagkaalala ko na nasa dulo talaga ang Maya, I gave up and went to sleep. Zzzz.

Paggising ko, nasa isang barangay sa Daang Bantayan na kami. Pamilyar naman yung lugar, parang nabasa ko somewhere, although ang problema, di ko alam kung mas dulo pa yun sa Maya. 
And then... I saw a sign to Skip's beach resort. I remember stumbling upon the website when I was looking  for accommodations in Malapascua at sobrang naaliw ako sa site kaya naaalala ko sia. Haha. So parang, yey! malapit na! But no. Haha.

Nagdadoubt na nga ako kasi sa pagkakaalala ko one trike ride away lang ang Skip's from the port. Pero di naman sinabi na one long trike ride away pala sia. Haha

Anyway, after ng mahabang kwento (na mas mahaba pa sa Malapascua story mismo ata. Hahah) narating din namin ang dulo. Maya nga. Wee~


May malaking grupo ng mga Koreyano kaming nakasabay sa ferry. Php 80 (Cere: eighty its? 88? Hahahaha) yung pamasahe, at umalis naman kami agad. Buti naabutan namin ni Cere. :D Maingay yung kasabay namin, masyado silang naaliw sa pictorial sa ferry. Haha. Siguro mga 30 minutes ang ride. Or less.

Ayun, pagdating sa white sand beauty that was the Bad Christmas, lakad kami ni Cere papasok as if we knew where to go. Pero short lived lang ang pambabluff namin dahil narealize naming, ay, mukhang residential. Hahahahaha. 

Hello Malapascua!

May lumapit saming canvasser (si kuya Leo-- na nagbabakasyon lang dun, pero for 3 years na. Haha) para mag-alok ng bangka nia. Php 1000 daw, kasama snorkeling gears. Pero sabi namin ni Cere hanggang alas dos lang kami kaya sabi nia sige may discount. We paid Php 450 each for our more or less 2 hr island hopping and snorkeling. Tapos dinala kami ni kuya Leo sa BB, where we rented a room to put our bags in (and para may CR later to change clothes) for Php 200 lang. Ang mura no? Not sure lang kung pang-overnight rate din yun, pero base sa blogs, ang BB ang pinakamurang lodging for backpackers. Fan room lang ata meron sila. 
Ang room, for Php 200. 
Ayun, bago pala kami nagpunta ng BB nag lunch muna kami sa Ging-ging's. Napasubo kami sa dami, anghang at presyo. Haha. Puro squid pa inorder namin. For lunch we spent Php 355. Php 175 yung sizzling squid (may rice na) -- eto yung spicy, Php 80 yung isa pang squid dish, Php 15 yung rice each(2) at Php 35 yung fruit shake each (2). 



After lunch, island tour/snorkeling na! Yung papa ni kuya Leo yung captain boat namin, kasama rin namin si manong Bano bilang first mate. Nilibot namin ang isla ng Malapascua para makakuha daw ako ng magandang pictures.  Tapos dun kami nagsnorkeling sa area kung san lumubog ang isang WWII ship. Di ko masyadong madescribe yung scene underwater, maliban na lang sa I wish may waterproof camera ako. haha. Kasama sa island tour ang information about sa kung sino may-ari ng resort, ang mga seminar na inaattendan nila kuya at madami pang ibang info. :D
Kay Pilar Pilapil na resort daw. :D
May nadaanan kaming mga batang nagkicliff diving. Grabe, antaas nung cliff. Parang ansaya sumali, kaso nakakatakot yung pag-akyat. haha.
Mga batang may laban. 

Sa Mahabang Buhangin kami nag-stop para mag swimming. Grabe, 6 lang kaming tao sa beach. Ang ganda ng beach! Pino rin ang sand at walang masakit sa na maaapakan. Nagstay kami dun hanggang mga ala-una.
Weeeeeee~
After nun, balik na kami sa Logon (dun pala yung babaan ng ferry), para magbihis at bumili ng ticket pabalik. Luckily, bumalik agad kami, kasi yung sabi nilang 2:30 na last trip ng ferry ay joke lang pala. Alas 2 palang umalis na, so kung mejo nag-enjoy-enjoy pa kami eh malamang nastranded kami sa Malapascua. Haha. 

Pagdating sa port, kaaalis lang nung isang bus. Wah. Naiwan kami at pupunuin pa ulit yung isang bus so yung 4 hour bus ride ay 5 hours na dahil sa traffic. Buti na lang, me nag-offer sa min na makishare ng van. Tig Php 250 daw kami ni Cere. Anlabo nga ng singilan ng van na yun eh. Depende ata sa pagnanais na makauwi kaagad kasi yung 3 kuyang nag-aya sa min, tig Php 500 sila (at nagdagdag pa ata sila) tas yung dalawang foreigner na kasabay namin eh tig Php 350 naman. Swerte namin ni Cere. hehe. 

Unang balak namin ni Cere ay dumaan muna sa hotel pero nagbago din isip namin at dumerecho na kami sa Crown Regency para sa Edge Coaster, Skywalk Extreme, Dinner buffet, 4D at tshirt (all for Php 950). Php 75 yung taxi galing SM papuntang Crown Regency. 




Yung mga picture lang ng pagkain sa taas ang tanging picture ko ng ginawa namin. hahaha. Pano ba naman, Php 230 yung isang picture nila. Ehhh. Tatandaan ko na lang yung mga nangyari. Basta mataas at nakakatakot. Haha. After nung dalawang activities may certificate silang binibigay, nagsasabing 'I survived the Edge Coaster and Skywalk Extreme'.

Ansaraaaap nung pagkain sa buffet, pramis! Lalo na yung mga bite sized cakes, parang lahat ata ng paborito ko andun. Inuna namin yung pagkain, tapos nag 4D (nakakabadtrip si kuyang racist. Hahah) tapos nag Edge Coaster na kami. Feeling ko kada nagtitilt yung upuan (manual pala most of the time, meaning kaw magkocontrol nung pagtilt. Kahit sino sa inyong dalawa na kasama mo sa ride ang pwedeng magtilt nung upuan, kaya wag tatabi sa bully.) nagpifree-fall ng ilang meters yung soul ko. As in WAAAAAAAAAH! talaga. Nakaka takot din yung Skywalk lalo na pag tumitingin sa baba. Di ko akalaing masisindak ako sa heights. Haha. Magdala nga pala ng mejas, kasi required. Pwede din bumili dun for Php 20.

Ayun, mga 11 pm natapos ang activity na 'to.

Previously: Day 0: Encounters with the Storytellers
Up Next: Cebu Day 2: Tumutourist-a sa Cebu. 

1 comment: