Pages

Monday, June 6, 2011

Cebu Day 0: The Storytellers

After work, derecho na ko sa airport. As usual, sa likod ng McDo Rotonda ako sumakay ng shuttle, for Php 20.

And as usual, magnet na naman ko ng mga story-tellers. Pero don't get me wrong, sobrang nag-eenjoy din akong makinig sa mga kwento ng ibang tao. This is one of the things I look forward to in my trips, especially when I'm alone. :D

Story-teller number 1: The NAIA guard. 
Backstory: May kapitbahay kasi akong nagsasanla ng digicam for Php 2000, kaso Php 1500 lang yung kaya kong ispare, so sa iba niya na lang inalok. Pero nung nasa shuttle na ko, biglang nagtext si kapatid na pumayag na daw si kapitbahay na isanla yung cam for Php 1500. Ayun, kelangan ko pa ibribe si kapatid ng Php 150 para dalhin ang cam sa airport. 
Sa labas ko sia inantay, in one of those round blocks of cement. Ayun, nandun si story teller number 1. At nagkwento sia ng nagkwento tungkol sa buhay nia-- tipong ilang taon na siang guard, tungkol sa family nia, sa asawa nia. Sa haba ng kwento (at tunay namang nakalilibang. haha) di ako nainip sa pag-aantay kay kapatid hanggang sa dumating na sia. Nagbabye ako ke kuya (na ayaw pa din magpaawat. Haha. Pwede na ata akong guidance counselor. O talk show host. =)) ) at nag check-in (Php 200terminal fee) at inantay ang 10 o'clock flight.


Story-teller number 2: The OFW from Singapore
Sa waiting area ko naman nameet si ate from Singapore. Nagkamali daw ng pagbook yung friend nia. Instead na Singapore-Manila-Tagbilaran, Singapore-Manila-Cebu ang nabook. Eh di pa naman prepared si ate to stay overnight in any place dahil isang maliit na handbag lang talaga ang dala nia. She asked if may fastcraft to Tagbilaran at the time na magland yung plane namin. Sabi ko, I doubt, pero I'll ask for her, since may friend (hi Cere!) akong nasa Cebu at that time. Ayun, tinext ko si Cere, at sabi ni Cere, wala. Aww. Sabi ko kay ate she can stay in one of the B&Bs in Mactan, then take the earliest ferry sa next day. Di ko na matandaan kung pano, pero after a few minutes, nagkikwento na rin sia about her life. In Cere's term (nung nabanggit ko sa kanya) Mara Clara-ish ang tema ng buhay ni ate. Kinuha rin nia ang number ko at nag-offer na ipasok ako ng trabaho sa Singapore through her friend na manager dun ng isang IT company. Sayang, mukhang matagal pa ako makakakuha ng passport dahil sa aking birthcert. Hahaha. Binigay din nia sakin ang Singapore cel number nia, so if ever mag-visit ako dun, may contact na ko. Haha :))

Story-teller number 3: The taxi driver
Well, may reputasyon naman talaga ang mga taxi driver to be talkative. Ayun, kwento about Cebu, mga foreigners na naisakay niya (meron daw, nag bigay ng Php100 sa street child, pero sia walang tip. Ramdam ko bitterness ni kuya. Haha.) at madami pang iba. Metered yung taxi, pero since airport taxi, Php 70 flagdown rate. Umabot ng Php 250 yung bill ko (from airport to Holiday Spa Hotel at Banilad, Cebu. Mga 30 minutes na ride). 

Pagdating sa hotel, freshen up ng konti, tapos tulog na. Pero late din kami nakatulog ni Cere, una, dahil mga 11 pm na ko dumating at ikalawa, si Cere ang story teller number 4. Haha. Sabi kami ng sabi na matulog na kami dahil maaga bukas for our Malapascua day trip, pero kwentuhan naman ng kwentuhan. Haha. 

Pero bago pala kami natulog nagbayad muna kami sa counter for our Saturday night stay (Php 1500 for two, so tig Php 750 kami.)

No comments:

Post a Comment