Pages

Monday, May 30, 2011

Maulan at Maalong Daytrip sa Nasugbu, Batangas

Start point: Aria's mansion at Alabang
End point: At a random beach resort in Nasugbu, Batangas
Budget: Php 650 max
It's COFFEEMATES' first anniv! Wee! (Pic by Dar Alcantara)

Yan ang tinawag naming plano. Haha. Pero quoting Ana: "But everything seems to happen as if it was planned. :)"
So from Aria's mansion, hinatid kami ng mama at papa niya sa Starmall, sakay ng cool nilang sasakyan. Haha. Wala kaming idea kung may shuttle na papuntang Nasugbu, so ang plans ay: (A) is sakay pa Tagaytay then pa-Nasugbu o (B) pa-Pasay then pa Nasugbu o (C) pa-Lemery (na may floating dead chicken daw. Hahahaha), bumaba dun sa point kung san nagdiverge ang road papuntang Lemery at papuntang Nasugbu and hope na may bus na dadaan pa Nasugbu. Turns out na dahil pito kami (there is strength in numbers. Haha), may shuttle na pupuntang Nasugbu! Wee~ Nag-antay lang kami ng ibang passengers para mapuno ang 13 seater na van. May family of 4 na dumating after a few minutes, tapos 1 kuya at isang ate.  Ayos. Mga 6:30 kami dumating sa terminal, around 7, naka-alis na kami. Yehey!

Iba pang shuttle sa terminal. 
Php 170 ang pamasahe. Dahil may kasama kaming special kid na di pwede sa aircon, nakiusap si kuya driver na kung pwede i-off ang AC at buksan na lang bintana. Blessing in disguise yun kasi ang sarap sa mukha ng hanging Tagaytay. Hanlamig! Ang ganda din ng view ng Taal Lake. May short stop-over kami after an hour (isa sa mga perks in riding a shuttle as opposed to a bus. hehe) and after another hour, ibinaba kami ni kuya sa isang lugar na aptly named 'Dalampasigan'. This is it... beaaaaach!

May isang kuyang may-ari ng resort ang agad na lumapit sa min at inoffer ang resort nya. For Php 600 daw, may cottage na kami, CR at videoke. Wala naman daw entrance, kaya kung di namin gusto eh di lipat. Tinanong ko kung white beach ba, sabi nya hindi, and I was a little disappointed. May dala-dala siyang picture at tinanong ko kung san yung lugar sa picture tas sabi nia, dun daw kinasal si Regine Velasquez. Hehe. Binabangka daw papunta dun, pero di pwede that day kasi maalon ang dagat. Anyway, since wala naman kaming idea kung san pupunta, sumama na kami kay kuya via a trike. Pinagkasya kaming pito sa isang trike. Haha. Weird thing is, di naman masikip masyado. Haha. Sa likod ng trike (as in yung likod ah, yung nilalagyan usually ng bags) sumakay sina Aria at Dar. Php 10 each ang pamasahe.

Di namin masyadong nagustuhan yung beach resort ni kuya kasi mejo open yung mga cottages at di rin masyadong ok yung common na CR. Buti na lang tabi-tabi yung mga resort sa lugar na yun, kaya we decided na maghanap ng iba. Dinala kami ng isa pang kuya (oo, andaming mga nag-aabang na caller ng mga resorts. haha. Good thing pwedeng magscout muna bago magsettle.) sa White Waves beach resort. Okay agad siya sa min nung unang tingin, dahil may cute na nipa hut at maraming shower rooms at may swimming pool sa unahan. Kaso yung nipa hut ay for Php 800 at may entrance na Php 50 each. Meron din namang cottages for Php 600 pesos, pero ang kyut talaga nung nipa hut.


Buti na lang at may forecast ng bagyo, so walang masyadong tao. Haha. Ginamit naming dahilan yun to ask for a discount. Pumayag si ateng may-ari after naming sabihin na hanggang 4pm lang naman kami at wala rin namang mag-ooccupy nung mga nipa huts (there were 4). In the end, we paid Php 150 each (cottage - Php 700 + entrance fee - Php 50 each). Yay.

Beaaach na!!!! (Pic by Ana Katrina Go)
Ayan, after magbihis at magsettle ng mga gamit, takbo na sa dagat! Haha. Anlalaki ng alon, kaya ang saya! Ewan ko kung anong nakaka-enjoy sa mahampas at mabugbog at matangay at malunod (konti lang. hehe) sa alon, pero enjoy talaga! Ang ganda din ng dalampasigan kahit hindi white sand. Pino at masarap apakan ang buhangin. Mababaw lang ang tubig, hindi din biglang lalim. Walang masyadong naapakang elements (corals o seaweeds).

After magpakapagod sa alon, inattempt namin mag-frisbee, pero sabaw ang mga throws kaya sa pool na lang kami nagpunta. Walang masyadong kakompetensya sa pool kasi ang mga bata ay dun lang sa mababaw na part, at wala ngang masyadong tao. Hehe. Abot ni Rods pag nakatiptoe yung pinaka-malalim na part ng pool. Hanggang bewang naman kapag naka-upo yung pinakamababaw na part.
Chill sa pool. (Pic by Ana Katrina Go)

For lunch we had (I mean, they) dinuguan na luto ng mama ni Aria, tsaka 3 cans of tuna na binili sa labas, tsaka sangkatutak na rice. Si ateng sari-sari store owner, prepared sa mga katulad naming walang plano. Haha. May can-opener siyang nakahanda. Cooool. Bumili din kami ng 1.5 l na coke at sprite (c/o Dar. weee~)

After lunch, rest for a while, then balik waves na naman. Haha. Mas malalakas ang alon nung pahapon na. Umulan pa. Ang gandang combination ng ulan at beach. Ang gandaaaaaaaaa din ng mga alon. Masayang magpicture. :)

Ako na ang natuwa sa ulan at dagat. Haha (Pic by Ana Katrina Go)
Naglaro din kami sa buhangin at gumawa ng embossed na COFFEEM8S (see pic sa taas-taas). Pero ambenta talaga ng waves. Haha
Waaaaaaaaaave! (Pic by Ana Katrina Go)
Around 3pm nung umahon kami para magprepare pauwi. Buti na lang kasi isang napakahabang biyahe ang pauwi via bus. Ayun, sakay kami ng trike (Php 15 na). This time, dalawang trike na inoccupy namin. Pagdating ng terminal, may isang bus na pa-Pasay na nag-aabang samin. Php 155 ang pamasahe hanggang Pasay. Pero SM Bacoor pa lang bumaba na kami nila Aria, Dar at ako. Kelangan ko na magCR eh. Haha. Sa Max's SM Bacoor na din kami nag dinner. Tingin ng konti sa ukay-ukay malapit sa mall, tapos bus kami ni Dar (Php 25) papuntang Pasay, while si Aria ay sumakay ng jeep pauwi.

Summary of gastos:
Van from Alabang -- Php 170
Trike to White Waves-- Php 10
Entrance + cottage -- Php 150
Food (lunch at chips) -- Almost free. Haha. Sagot ni Aria at Dar
Trike to terminal -- Php 15
Bus to Pasay -- Php 155
Max's dinner -- Php 175
SM Bacoor to Pasay - Php 25
Total: Php 700 (pero di naman counted yung dinner at fare from SM Bacoor, so swak pa din sa Php 650 challenge. Haha)

PS. Yung terminal ng bus pa-Nasugbu sa Pasay ay nasa Rotonda, sa likod ng Sogo. :)

More pictures

No comments:

Post a Comment