Pages

Monday, April 11, 2011

Sssssssplashhh! *splash!*

Friday. Maagang (actually late na. Haha. Nung nagtext si Cere at nagreply akong paalis na, maliligo palang ako nun. Haha) nagising para pumunta ng Splash Is. na di namin alam kung pano. Haha. Basta ang balak magkikita sa Cubao, and from there, bahala na. :P

Mrt Ayala  na ko nung magtext si Cere na bumaba na ko at sumakay na bus pa-Alabang. Sa Guadalupe ako nagdecide bumaba. Maya-maya nagtext, Pacita na daw. Buti na lang di pa ko sumasakay ng bus. XD

It's a nice day to be out. :)

Anyway, ayun, Pacita-bound bus fare costs Php 66 from Boni. Bumaba ako sa may Jollibee-Pacita (dulo na siya ng ruta) at inantay sila. Pagdating nila, nagtanong-tanong kami at napag-alaman namin na may trike papunta dun for Php 25 each- lima kami. (not sure kung package deal ba yung trike or what)

Pagdating sa Splash... eto ang bumulaga sa min:
Wala pala ko pic ng sangkatutak na tao. BTW, yan pala si Sheens at si Rods. :))
Ayuuuun. Handaming nag-avail nung promo nung sa Metrodeal (Php400). @_@. At ang fail lang ng sistema nang pag viverify nila ng vouchers. Manual. As in may printout ng mga voucher numbers at dun nila chinichek kung andun yung  voucher number. Ang bagaaaaaaaaal. At ang daming pwedeng loopholes. As in pwede kang pumunta dun at iclaim ang tix ng ibang tao. Or pwedeng may magclaim ng tix mo. Tssss.
After n hours, nakuha naman ang aming tickets at nakapasok na kami. Derecho locker room (Php 100 for whole day na) tapos shower tapos rides na!
Agos Grandes
Wala, maalon lang. Malalaking alon. Pero mababaw. At nakakstress lang lumangoy. Haha. Nag-eenjoy naman ang mga bata. :))

Balsa River
Ang highway ng Splash. Dinadaanan lahat ng major rides sa loob. Ang pinakana-sulit naming ride. Nakapaa lang kasi kami, at mainit maglakad sa lupa, kaya via Balsa River kami kung magpalipat-lipat ng rides.


Big Bam Boo*.
May 2 version kaming natry. 
Middle version: (Before the ride) Uy, maikli lang. Pati yung pila. Straight lang yan.
(During the ride) Weeeeeeeeeee! WaaaaaaaaaaaaaaaaAAAAAAAAAA---- o_O  ----- aaaaAAAAAH! 
(After the ride) GRABENG PANGGULAT NAMAN YUN. Isa paaaa! hahahaha

Gilid version (dahil di ko maalala kung left o right): (Before the ride) Ayan mahaba, pero mas gentle na kesa gitna.
(During the ride) Weeeeeeeeee! Wooooooooooooooooooooooo--- o_O---wahhh!
(After the ride) Wala pa rin yun kumpara sa gitna. Haha :))

Tausug Trails*

Mild lang. Parang waaaaa lang. Sabagay, after ng Big Bam Boo middle, parang wala na lang ang iba. Hahaha

Rio Montañosa*
Ang family ride daw. Depende sa pwesto ang thrill level. Yung isa kong kasama, na-trauma ata dito. >:) Haha
King Pilipit*
Eto ang ride na walang ride. Haha. Just you and yourself sliding down in a twisting tunnel. Donchaworry, di naman masakit. Hehe. At masaya din, pramis!

Magellan's Drop*
Eto yung weeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee! Haha. Mukha lang siyang nakakatakot, pero ang saya lang magslide pababa. May mat kang pinapatungan at mejo mabilis ang slide. Nung una, nagtaka kami kasi sya lang yung ride na papunta hindi sa isang pool kundi sa lupa. Haha.

Natry namin lahat ng rides at least 2x. Kanya-kanyang bitbit ng salbabida paakyat, kaya kelangan ng lakas. Haha. Paunahan din sa salbabida kaya kelangan ng diskarte at charms. :> Higit sa lahat kelangan ng lakas ng loob kasi sa unang tingin, mukhang nakakatakot pero pag nasubok na... ang saya pala! :)

Lunch: Kasama sa promo ng Metrodeal ang isang Mongolian Lunch Buffet. Nag-expect naman ako ng buffet-- as in may nakalatag na (madaming) pagkain tapos eat-all-you-can. Sa kasamaang palad, di ko natake into consideration ang salitang Mongolian. XD OHMYGULAY. Pinilit ko talagang kumain, bilang wala akong choice... at sayang naman. But no, hindi keri. Haha. At ayan, meron silang disclaimer bilang palagay ko ay marami rin ang nagkaroon ng false expectation sa salitang buffet:


Eto ang lunch na nabuo ko:
Di ko siya naubos. Haha. At napabili ako ng barbecue (Php 35).
Ang ok sa Splash, di ganun kamahal ang pagkain. Php 25 yung isang bote ng Nestea, Php 30 yung Cornetto. Nagulat lang kami sa halo-halo--Php 70. Di namin sinubukan kung worth it ba sya. Mahal eh. 
Bago umuwi, bumili muna kami ng souvenir-- Php 20 yung PVZ at Angry Birds na keychains.
Nakalimutan ko kung magkano. XD
Sa labas ng Splash nakatyempo kami ng trike. Php 40 each yung unang siningil samin. Syempre reak kami. Eh Php 25 lang kaya kami papunta. In the end, napunta sa Php 30 yung tawaran. Pagdating sa Pacita sakay kami ng bus pauwi. Php 55 hanggang Ayala. 
Ayun, masaya naman yung buong experience. Palagay ko lang kahit di siguro namin in-avail yung promo eh ok pa rin kasi di talaga ako satisfied dun sa lunch. XD
Mapa sa Splash. Pero sundan mo lang yung Balsa River mararating mo na yung mga major rides. :)

Di namin natry kung makakalibre kami ng ticket pag ginalit namin yung nasa counter. Wala kasing tao eh. XD

Schedule. Dyan ko kinuha yung ibang picture na may *

4 comments:

  1. di ako mahilig sa rides Pero na shock ako sa buffet nila at may kasama pa si dictionary sa pagpapaliwanag sa kung anong kakulangan nila. sana naman maenjoy ng mga customer ito. pero sa tingin ko di ka naging happy about it. for sure ako din.
    Palitan na lang nila ibang tawag yan.

    ReplyDelete
  2. Oo nga po eh. >.< Antagal din nung pagkain, bilang iluluto pa at andaming tao. T.T
    Add din kita sa blogroll. :)

    ReplyDelete
  3. nakikita ko lang yan habang papunta kaming Cavite (via Sta. Rosa)...lol.

    thanks for the follow; followed you back :)

    ReplyDelete