Pages

Tuesday, April 12, 2011

Pangalawang Hirit sa Unang Hirit


Ayoko na talaga nung una. Pano ba naman, kelangang gumising ng 2:30 am para sa taping. >___<
Pero ayun, natuloy din.
Sinundo ako ng isang black na van na may plakang ZTS 249 sa tapat ng Jollibee Philtranco. Ang aga ni kuya Rudy, quarter to 3 andun na sya. Wow.

Akala niya yata mag-eextra ako sa kung anong palabas sa 7, kasi ang dami niyang payo sa buhay. :)) Wag daw ako maggigive-up kahit Php500 lang ang bayad kada shoot. At dun ko nalaman kung magkano ang kinikita ng mga extra. FYI: wala palang bayad yung mga fillers, ang may bayad yung mga nasa front line ng crowd. Hahahaha.


Maaga akong dumating sa studio. Tulog pa yung ilang electricians yata. Kinausap ako ng walang tulog pang si Ate Melissa. Hehe. C2 or coffee ang una nyang tanong. Dumating si Angge mayamaya, pero di pa kami nakapagset-up kasi antagal daw dumating nung extension. Kumain muna kami ng breakfast na sila ang nagprovide, nakipag-laro saglit dun sa parrot na dala ng mga taga-Zoobic at uminom ng C2. Tapos, nagset-up na kami.

Kabado nga kami ni Angge kasi biglang nadisconnect yung wii sa di malaman na kadahilanan. Kelangan pa irestart ang PC tas inisip namin, hala, pano pag live na? Nag-aalala na din kami kasi di pa namin naoorient si John (ang summa cum laude ng UP na may pinakamataas na gwa ever.) na siyang maglalaro. Pero ang mga tao sa studio, cool as cucumber. Grabe, walang panic mode.
Ayun, maayos namang nalaro ni John ang game. Nahirapan lang siya nung una sa controller, pero nagamay naman nya ng mabilis at matiwasay namang natapos ang segment ng walang technical glitch. :) Naaliw din ang mga hosts sa paghula ng tamang sagot sa game. :D
After nun, picture mode na. At bilang nalowbat ang phone na cam na rin ng mama ni John, obligado siya ngayong i-add kami ni Angge sa fb para ma-tag siya sa pictures. Haha *fangirl*

With Mr. Arnold Clavio. Inulit ko pa dahil di ko nasave yung una. XD Salamat Angge sa pagtake. :D

5 comments: