Pages

Wednesday, April 6, 2011

Mga Aral sa Buhay

Kagabi, nagsimula akong mag-aral lumangoy kasama ng ilang kaibigan.
Marunong naman ako lumutang, kaso mabilis kapusin ng hininga at mapagod, kaya takot ako lumangoy. Keri ko naman ang snorkeling basta't may lifejacket (kahit wala na helmet. haha).

So ayun, kagabi, natuto ako (ng konting-konting) free style. Nahirapan ako dun sa part na iaangat yung ulo at ibubuka yung bibig-- pumapasok kasi yung tubig. Tsaka pag pumapasok na sa isip ko na may mali dun sa ginagawa ko, napapatigil ako sa pag 'langoy' at lumulubog. Pero para sa unang session, palagay ko, marami na naman akong natutunan. :D

Excited na ko sa mga susunod pang lessons. Sana pagkatapos ng sampung sessions, keri ko na ang pumunta sa malalim (> 5ft) na part ng pool. :D

*****************************************************

Ang joke time nung title. Haha.
Anyway. Ang swimming lessons na eto ay una sa serye ng mga pag-aaral na gagawin ko. Operation Prepared Lakwatsera.
Narealize ko lang kasi, sa hilig kong magliwaliw, wala man lang akong baong survival skills or assets-- maliban sa charms. haha
Kaya, eto ang mga skills na isa-isa kong iaacquire:
1. Swimming - In progress
2. Language- In progress (nag-aral ako ng Korean kaso 'annyeong haseyo' at pagbabasa ng Korean alphabet lang naretain ko. haha. Mejo nakakaintindi din ako ng Bisaya, bilang Bisaya ang nanay ko-- pero ang goal ko talaga eh maging fluent ulit. Marunong na kasi ako dati kaso naunlearn ko naman :( ) San ba may nagbibigay ng formal lessons in Ilocano, Bicolano, etc?
3. First Aid- RCY member ako nung grade school. Tapos naunlearn ko na lahat ng natutunan ko. Huhu. Square knot na lang na retain. Grabe. Samantalang maganda yung training namin dati, may CPR pa gamit yung dummy na nakalimutan ko ang pangalan. Haay. Anyway, aral na lang ulit, at patuloy na mag-aaral.
4. Driving - Kahit wala pang anino ng kotse in the near (or far) future. Haha. Para naman kapag natuloy na ang roadtrip (ehem!) with friends eh pwede ako mag volunteer as karelyebo. Mag-aral na rin kaya akong magpatakbo ng motorcycle?


Yan na lang muna.

*****************************************************
Dear God,
Thank you po sa resistensyang ibinibigay nyo sa kin para gawin ang madaming bagay. :D Maraming salamat din sa mga pagkakataong gawin ang madaming bagay.  Dagdagan Nyo pa po. :)
Love,
Au

1 comment: