Pages

Monday, April 25, 2011

EcoPark with Pamangkin

Isang Sunday, naisipan naming ipasyal sa EcoPark ang iyaking batang to. 
Pinaiyak ko talaga para mapichuran ng may luha. Hihi. Joke lang. Baka ma-Bantay Bata ako. XD
Ang pamasahe mula Cabrera, Pasay papuntang Eco-Park sakay ang isang SM Fairview-bound bus ay Php 55. Bumaba kami sa Winston (lagpas ng Puregold, North Fairview) at sumakay ng trike for Php 20 each. (Rip-off ata 'to. Di ko na kasi maalala kung magkano dati, kaya di na ko umangal.)

 Php  80 ang entrance for non -QC residents (Php 20 lang ata (o Php 40?)  pag students, kaso nawala ko UP ID ko. huhu) tapos free sa baby dahil sya ay 3ft and below. Php 80 din ang entrance sa pool (sakop na yung 2 pool sa loob ng ecopark) at Php 40 naman para kay baby dahil muli, sya ay below 3ft. :D Pwede magdala ng pagkain, aso, pusa at iba pang alaga. :D Libre ang mga picnic tables sa picnic area. 
Yung mga kubo-kubo yung may bayad, at pwede ata mag-overnight dito. Pwede din mag rent monobloc na tables and chairs. 
Pag lusong namin sa pool, natuklasan naming takot pala ang batang ito sa pool. Iyak siya ng iyak kahit na nakasakay sya dun sa salbabida nya at lumulutang-lutang lang siya. Grabe, sayang yung Php 40 ah. Ayan, mas gusto pa nyang maglaro sa gilid kesa sa tubig.
6ft ang pinakamalalim na part at 3ft ang pinakamababaw sa poo1 1. 8ft at 5ft  naman sa pool 2. May kiddie pool pareho.
Sunod naming ginawa ay umakyat dun sa 100 ++ steps (kung tama bilang nung mga batang kasabay namin. XD) papunta dun sa view ng La Mesa Dam. Sinumpa ata ako ng kapatid at nanay ko: sabi ko kasi di naman sila hihingalin. Hihi.

Pagdating namin sa dulo sabi ni Mama: eto lang inakyat natin?!!!! To which I replied: Di mo ba naaapreciate ang kalawakan ng tubig? There's water everywhere! Diyan (ata) nanggagaling ang iniinom natin. HahaXD

Ayun, bukod sa pag-akyat, pagpipicnic at pagsiswimming, pwede ka ring mag horse back riding (Php 50) at magexplore sa kagubatan sa ecopark. Di ka rin magugutom, madaming tindang pagkain sa loob.  Ang ikinalungkot ko lang, parang sira na yung fitness trail. :(
Pag-uwi namin, Php 10 na lang each yung pamasahe sa trike. Boo. Pero maliban sa pool incident, muka namang nag-enjoy ang pamangkin ko. hehe

2 comments:

  1. salamat naman sa pagshare ng mga photos akalain mo yon ganyan pala ang itsura ng ecopark na yan. Ang dami namang mga singil singil diyan.bakit di na lang libre sa pinoy. atin naman yan.

    ReplyDelete
  2. kelangan din po ata kasi nila ng pang-maintenance. :D

    ReplyDelete