Pages

Tuesday, March 15, 2011

The Amazing (race) Cagayan De Oro - Iligan - Bukidnon - Camiguin Adventure

Part 4. EXTREEEEEEEEME!!!!!!!! (and bye-bye CDO. Huhuhu)
 (Ang mga rafting pictures ay mula sa Red Rafts)

Una sa lahat, iiyak muna ako. Waaaaaaaaaa! After this post, tapos na rin ang virtual vacation ko. I feel so... sad. :(
Yep, babalik ako. At magrarafting ulit. Haha


Anyway, kung action-packed ang Camiguin day, etong CDO day ay extreme day naman. We white-water rafted. WOOO! At bakit pa ko magkikwento, e meron namang video:

Video(s) courtesy of Red Rafts. Madami pa sa YouTube kaso unlisted. Hehe

Pero sige magkikwento pa din ako. :P Sobraaaaaaaaaaang enjoy ng white-water rafting. Mukha lang siyang buwis-buhay, pero di talaga. Kahit di ka marunong lumangoy, OK LANG. Ang mga guides ng Red Rafts (sila kuya Jerome, kuya Hareul, kuya Allan at ang iba pang teammates nila na bumubuo sa rescue team) ay trained sa napakaraming bagay, lalo na sa swiftwater rescue, kaya ok lang malaglag sa raft-- which is ang pinakamasayang maaaring mangyari sayo while rafting. :D Mga 5 hours ata ang buong proseso, pero marami kaming stop-over nun to take pictures. :)) OK lang din na di ka marunong magpaddle, mabilis lang siya matutunan. (Kala mo marunong, eh no, eh kung magsagwan nasa hangin. XD) Ok lang nakatsinelas-- itatali nila slippers mo sa raft para di mahulog. Recommended mag rashguard, at kung ano pa mang panlaban init, pero naka tshirt at shorts lang ako nun. Nag sunblock kaya di masyadong sunog, pero sunog pa din. hehe May binibentang warmer at leggings dun sa site. Pero nagsislip yung warmer kapag di siya fit-na-fit pag basa na, so wag na lang. Hehe.
Wooooooooooo! EXTREEEEEME!
Sobrang nakakaaliw sila kuya. Madami silang (corny. hehe peace) jokes during still water moments. At siyempre, ang bilis nilang manghila pabalik ng rafts ng mga nalalaglag. Masarap yung pagkain after nung rafting. (Oo na, ako na malabo magkwento. Hehe) Ang dami-daming pictures, (magaling magtake yung  photographer(s), infairness) captured ang karamihan ng aming extreme moments. Haha.


Php 1000/pax ang rafting. Kasama dun ang transpo from Divisoria to airport (na malapit lang sa rafting site, mga 10 minutes away), videos and photos at masarap na lunch. See Red Rafts for more details.)

Bago ang rafting...
Pagdating namin galing ng Camiguin, derecho kami ng Casa Isabella (this time 10 na kaming nagstay) from the port. Sumakay kami ng jeep (si kuya driver, pinababa lahat ng sakay niya to accommodate us. hehe) for Php 10 each.
Nagcheck in kami sa Casa Isabella. 2 rooms pa din ang inavail namin, this time with four extra pax. Tig Php 270 ata kami. After mag freshen-up, we headed to dinner sa Candy's (on rella Php 6).
Chicken Satay na lang ang naaalala ko sa mahabang pangalan ng pagkain ito. XD
Malalaki ang servings sa Candy's. Hati kami ni RA sa pagkain above, Php 325 ata yan. Ang baby back ribs na nagpabago sa pananaw ni Grace sa mga baby back ribs ay Php 385 yata. Sorry na, di ko na maalala ang exact price. Napakasarap din ng spinach pizza (first time ko kumain ng spinach ever, kaya di ako kakain ng spinach, unless spinach pizza siya ng Candy's. Hehe.)

Wooo! Gulay yan ah. EXTREEEME (for me! haha)
After dinner, RA, Ces and Grace and me decided to head back to Casa I (on rella for Php6), while the rest went to the spa. May adventure silang sila na lang ang magkikwento, dahil tinatamad na ako. >_<
The next morning, I bought two yummy chocolate chip cookies from Casa I front desk (Php 40, Php 20 each) for my breakfast, and a cookies and cream shake (Php 40). Di ko pa nauubos yung shake, tumawag si kuya Allan. Anjan na daw sila, pero take our time daw. Haha.

Paglabas ng Casa I, eto ang sumalubong samin:
Di kaya halatang magrarafting kami. XD
Wooooo! Rafting na!
Pero bago ang rafting, dumaan muna kami sa Macahambus cave na naging bomb shelter dati.May short lecture si kuya Allan about this. Haha.

Paglabas ng cave, eto ang sumalubong samin:
Sneak preview ng Rio Grande de Cagayan Oro
Para sa pagpapatuloy ng kwento, basahin ang blog mula sa umpisa. Haha.

Haaaaaaaaaaay, tapos na. Tapos na din ang virtual vacation. Hanggang sa susunod na pagbisita CDO! *bye*



Summary of gastos:
Dinner: Php 162.50 (Hati kami ni RA sa Php325 na meal sa Candy's )
Cookies and Shake: Php 80
Room: Php 270
Jeep from pier to Casa : Php 10
Rella to Candy's and back to Casa: Php 12
Rafting and other fees: Php 1100
Vjandep Pastel pasalubong: Php 71 (box of 6 + malaking  box Php 6)
Total: Php 1705.50 (sana wala akong nakalimutan/mali. :P)

Pero siyempre may nakalimutan talaga ako:
Vjandep (vandep--ewan ko ba kung baket kelangang lagyan ng 'j' kung di rin naman babasahin. XD) cheese stix: Php 80 (Php 160 for 20pcs, hati kami ni Ces.)
Vjandep Pastel pasalubong: Php 65
Total talaga: Php  1850.50

See part 1.
See part 2.
**Note: may separate blog ang about sa airport, contacts at iba pa. :D (Abangan)

No comments:

Post a Comment