Pages

Monday, March 14, 2011

The Amazing (race) Cagayan De Oro - Iligan - Bukidnon - Camiguin Adventure

Part 3 - Tourist Dash in Camiguin

After ng picturesque travel via the barge, night found us in Camiguin. May nakilala kaming kuya na nag-offer magtawag ng transpo for us to Ardent (since malayo siya sa kabihasnan. hehe). Pinsan daw niya yung driver. And kami, bilang mga trusting souls, ay sumama kay kuya. 
We had to ride a jeep to Mambajao (which is parang capital ata nung Camiguin. Anyway, andun ang mga shops.) for Php 20. Bumaba kami sa tapat nung Vjandep na kainan, and inantay ang multicab na maghahatid samin sa Ardent. Bago ata dumating yung multicab, bumulong sa kin si Juvy ng, "Uy, baka organ-harvester si Kuya." Halaaaaaaaaa....

 
At ayun, dumating ang multi-cab. We filed inside at unti-unting kinain ng kaba ang aking imagination...
Madilim ang dinaanan ng multi-cab. Halos walang tao sa labas, at ang mga mangingilan-ngilan naming nakasalubong ay mga alipin ng espiritu ng alak. Magubat ang gilid ng daan, at madilim din sa loob ng multi-cab. Naisip ko, pano kung di nga kami sa Ardent dalhin nila kuya? Ang bagal ko pa naman tumakbo. >__< Eh kung magpanggap akong me sakit sa kidney? Sa puso? Sa atay? Sa kasu-kasuan (ano nga ulit 'to)?
Nagbubulungan na rin ang mga kasama ko sa multicab. Samantalang sila kuya ay nag-uusap din (in Bisaya). Pinipilit kong makaintindi, kaso nagfail ang powers ko. Parang nasisense ko lang na nababadtrip ang driver. Halaaaaaaa, di kaya kami mukhang healthy enough? (Ay toinks, dapat pala okay lang yun.)
After several minutes, dumating kami sa isang marker. At ang sabi nung marker ay: Ardent Hot Springs: this way --> YEHEY!
Ayun, turns out, di naman organ harvester sila kuya. Whew. Siningil nila kami ng Php 30 each. Ang usapan ay Php20 lang, pero akala kasi ni kuya driver siya magtotour sa min kinabukasan. Yun din ang dahilan kung bakit nabadtrip siya. Namis-interpret ata ng pinsan niya ang nagpagkasunduan. Pero ok na rin naman, at least di siya organ-harvester. Haha
So, we rented 3 rooms sa Ardent (2 rooms with 3 people inside, 1 room with 4 people inside) for Php 430 each. I dunno the room rates. Dun na din kami nag-dinner. Masarap ang buttered chicken. Weee. Around Php85 ang binayad ko for the food (for the whole group inorder namin) pero nanlibre kasi si Kenneth, so di ako sure kung magkano talaga.
After dinner we tried the hot springs. Warm lang siya. Haha toinks. Okay na sana, kaso may baby scorpion (non-poisonous naman daw sabi ng aming napagtanungan) na kumagat sa daliri ni Aljon. Ayun, ahon kami lahat for a night cap na din. 
The next day, sinundo kami ng van na kontak din ni kuya Karlos (Php 2500, so Php 250 each kami). Si kuya Rolo ang aming driver. Di siya kasing daldal ni kuya Karlos, pero ok pa din. Tsaka mejo powerful din, dahil naihabol niya kami sa Paras Sea Cat (more on that later). Haha.
So isasummarize ko na lang ang aming day tour, bilang may malupit na Paras Sea Cat kwento ako laterr:

White Island
White sand, letter C shape,  Mt. Hibok-hibok view, fresh sea urchins and shell-souvenirs for sale. No shade. 
Entrance fee: Php 20
Boat fee: Php 400 (6 pax per boat)
Souvenirs: Php5 - Php 125
Sea Urchins: Php 10

Sunken Cemetery
There is a restaurant and a souvenir shop at the viewing site. Pwede mag snorkel. Willing ang mga nakatambay dun na kumuha ng pictures ng mga visitors. Hehe
Entrance Fee: None
Boat Fee: Php 20 (going to that huge cross)

  Old Church ruins
Ruins of an old church destroyed by Mt Vulcan explosion in the 1800s. There is a century-old tree inside.  May CR din. May isang ate na willing magpicture sa mga visitors. Hehe.
Entrance fee: None

Soda Water Swimming pool
Amoy soda siya nung umpisa. Ewan ko kung imagination ko lang. I tried drinking the water (may drinking area), mejo sweet, pero di naman sweet na sweet. Masarap yung chicharon dun. Hehe promise. Parang conditioner din pala yung tubig, ang lambot ng buhok ko after, considering na di naman ako nagsusuklay. Haha
Entrance: Php 20
Chicharon: Php 35

**Lunch at Vjandep. Wala ako pichur. Masarap ang buttered chicken (ako na adik sa buttered chicken. XD) at sinigang. Less than Php 100 yung binayad ko ata. **

Mantigue Island
Maganda daw ang under the sea view. Maraming nemo at dory. Di ako nag snorkeling dahil ayoko na mabasa. hehe. Pero nag-enjoy yang mga yan. Pramis. 
Entrance: Php 50 (snorkeling fee)
Boat: Php 550 (6 pax per boat)
Snorkeling equipment: Php 200

And so, after ng Mantigue Island snorkeling, isang buwis-buhay (para sa mga tumatawid na creatures) na pagdadrive din ang ginawa ni kuya driver dahil kapos na kami sa oras at 4pm ang dating ng nag-iisang ferry papuntang CDO: ang Paras Sea Cat. Eto lang napansin ko sa mga hayop sa Camiguin: mga hari sila ng daan. Keber sa van kung makatawid. Ako yung nininerbyos para sa kanila. Jusko. May isang mag-anak na manok na tumawid. Huminto pa sa gitna ng daan ang inahin para pagsabihan (feeling ko) ang mga inakay nya. Ang kyuuuuuuuuut. Pero dangerous to their well being.

Dumating kami sa pier mga 5 minutes past four. Paalis na ang ferry. Si kuya Rolo parang nasa pelikulang sumigaw ng 'hintaaaaaaay. May sampu pang sasakay.' Joke lang. In Bisaya niya sinabi yun. Haha. Sabi samin ng mga friendly locals sa paligid: Bilis, bili na kayo ng tiket! Eto namang si Juvy (with her two-piece unraveling, naka tapis lang ng kanyang malong, magulo ang buhok. Parang may tinakbuhang rapist mula sa van) ay tumakbo papuntang highway, kung nasan ang ang ticketing office. Wala siyang dalang pera. Sumunod ako, wala ding dalang pera. Sumunod si Rose ann, may dalang  pera, kulang. Si Jeo ay sumunod na din. Sa ticketing office, bumili kami ng sampung ticket (Php550 each) mula sa pinagsama-samang funds namin (buti na lang magaling na accountant tong si RA). Sabay takbo papuntang ferry na nakataas na ang ramp. Ang mga tao sa paligid namin, parang nanonood ng shooting o kaya cheerleading. Lahat sila ay sumisigaw: "TAKBOOOOOOOOOO! Kayo na lang ang inaantay!!!!!!"
Siyempre, parang amazing-race contestants na tumakbo kaming apat. WALA NANG RAMP kaya tinalon namin ang ferry. Tinulungan naman kami ng mga porters, kaya walang nalaglag. Hehe.
We burst through the main deck, Juvy in lead. Palinga-linga, habang sinasabi, 'ASAN NA SILA?!'. Ang mga tao sa deck, parang nanonood din ng shooting. Kami parang mga umaakting. (Pero di talaga.)
Punta kami sa taas, sa viewing deck, kung nasan sila. Dun namin nalaman na mala-shooting din pala ang entrance nila at pinigilan din nila ang pagtaas ng ramp. Haha.
After that, di na masyadong eventful ang mga pangyayari, maliban na lang sa CR moments ni Juvy at Diane, pero sila na lang ang magkikwento nun. Pagod na ko. Haha
Yung katabi ko sa ferry nga pala, nagtanong: "Bakit di na kayo nagbihis?" Ate, eto ang sagot.

Summary of gastos:
Dinner: Php 85 (Set meal, kaya maraming ulam. Hehe. )
Room: Php 430
Van : Php 250 (2500 for 10 pax. Wala ako # ni Kuya Rolo . recommended)
Jeep to Mambajao: Php 20
Multicab to Ardent: Php 30
Lunch: Php 100
Boat to white island: 80 Php (Php 400/ boat for 6 pax per boat. 2 boats inavail namin)
Seashell souvenir: Php 25
Got this tshirt: Php 100
Boat to Mantigue: Php 110 (Php 550/boat for 6 pax per boat. 2 boats)
Dried squids: Php 100 (for 5 packs na may 3 dried squid /pack)
Chicharon sa Ardent: Php 35
Entrance to White Island: Php 20
Entrance to Soda Water: Php 20
Entrance to Mantigue: Php 0 (Php 50 dapat, kaso di ako nagsnorkel)
Ferry: Php 550
Total: Php 1955 (sana wala akong nakalimutan/mali. :P)


See part 1.

See part 2.

See part 4.

More pictures here 

1 comment:

  1. Van rental: Kuya Alan 09172537878 --kakilala siya ni Kuya Carlos, pero may driver sya si Kuya Rolo 09172796887. :D

    -Princess Boco

    ReplyDelete