Pages

Thursday, March 10, 2011

The Amazing (race) Cagayan De Oro - Iligan - Bukidnon - Camiguin Adventure

Part 2: Sang-milyong pinya at ang simula ng Amazing Race

Weird lang ng experience ko sa paghahanap ng Casa Isabella sa Cagayan De Oro. Tinext sa kin ni Princess ang address, so dapat madali na lang ang paghahanap di ba? Hindi. Lahat ng tinanungan ko iniinsist na nag-iisa lang yung Square na kung nasan sila, pero iba-iba sila ng lugar. :/ Malabo ba? Haha. Ang bottom line, nahanap ko naman ang Casa Isabella, pero after nang maworn-out ng sapatos ko. Haha :))

Nadaanan kong siniset-up ang night market. Mukang Banchetto no?
Mga nagsiset-up sa Divisoria

Pagdating sa Casa, pahinga ng kaunti, and then we had dinner. BTW, Php 287.50 yung bayad sa room ng casa at 8 kami. We had two rooms (each good for 3 pax) na worth Php 950** each + Php 175 for extra pax. Tig-4 kami sa isang room. May TV at hot and cold shower. :D

We had dinner at Penong's, a popular place in the south for grilled chicken. Maanghang daw yung sili nila, sobra! (Siyempre di ko trinay, bilang ayoko ng maanghang. XD) Food costs from Php 80 to around Php 200. Di ako sigurado so ang laki lang ng range. =)) Yung kinain ko, Php 85 ata, which consists of a grilled chicken and a pork bbq and unli rice. YEP, UNLI RICE. Haha

Sorry sa malabong shot. >.< That's chicken and pork bbq.
Cool sa Penong's. You only have to clap, darating na ang mga waiters. Haha :))

Free!! Joke. Sagot ni Kenneth, the birthday boy. Ang joke time lang, di siya nakatikim. Haha. Masarap, at ayos ang presentation. =)) Mangga at bagoong nga pala yan.
After dinner we headed to Lokal, a nighthub in the city, para mag videoke sa Watever KTV Family Bar (again, sagot ni Kenneth! Wooo~ Maraming Salamat!) I heard Php 200/hr daw, pero I'm not sure. Mura no? Maganda yung place, each group has a private room, at pwede umorder ng drinks-- I don't know how much. 
After videoke, I decided I had enough activities for the day (bilang galing pa kong Iligan. -_-) so natulog na ko while the rest went to see the famed night market. 

The next day, sinundo kami ni kuya Karlos (our van driver, Php 5000 for a day trip to Bukidnon plus from CDO- Balingoan port) para sa aming Bukidnon adventure. Andami lang koneksyon at alam ni kuya. Haha. Siya na ang may plan B sa lahat ng bagay.

Stop-over dahil sa footbath moment.
Sa Bukidnon, namangha kami sa milyon-milyong pinya ng Del Monte. Mga five minutes na kaming nagkikwentuhan sa van, puro pinya pa din ang aming nakikita. XD
Lahat ng uri ng pinya, meron ata ang Bukidnon, even one made of stone. Hehe
Narating namin ang Dahilayan Park, kung saan pwedeng mag zipline, zorb at atv. May Forest park din. Weeee~
Ang entrance. XD
Php 600 ang zipline, kasama pichurs.(Pero di ako sure.) Ang ATV (na inavail ko at other 3 friends) ay Php 500 each.
Eto ang rates. Click picture to enlarge.
Ang ATV ang buwis-buhay moment number 2 ko. ATV na ang gilid ay bangin. Masakit sa hinlalaki ang ATV, at nakaka WAAAAAAAAAAAA! yung pababa tapos parang ayaw gumana ng break tapos parang biglang liliko yung ATV papunta dun sa bangin. whew. Buhay pa naman kami, fortunately. PERO ANG SAYA, PRAMIS!
Isa sa mga dinaanan nung ATV

Maganda din dun sa loob ng park. Napakadaming pine trees. Sobrang nakakarelax ang hangin. Meron ding mga stone sculptures of different animals. May life-like croc na lubhang ikinatakot ni Mae. Hehe. May mapanlinlang na floating (plastic yata) ducks din sa man-made pond. Nagtalo pa kami kung totoo ba sila o hindi. Hindi. Pwede rin mag-pakain ng isda (Php 10 yung fish food). Nakakaaliw. Hehe

Ayun, pagkatapos naming magpaka-adrenaline junkie eh naglakbay na kami pabalik ng CDO para sunduin ang isa pang kaibigang darating pa lang. Short stop-over sa Del Monte golf course para sana bumili ng pineapple juice, sa pag-aakalang mayroon dun (wala. Sweet 16 --ang pinakamatamis daw-- na pinya na pwedeng pabalatan at ipaslice, meron.). Nung tinanong ko yung kuya sa may entrance kung san nakakabili ng canned Del Monte Pineapple juice ang sagot niya: sa grocery. LOL. But of course. =))
Logo ng Del Monte Golf Course
We had lunch sa Jollibee Ket Kai. Nakakabigla ang laki ng serving ng fried chicken nila. Haha. Pero siyempre same price. XD
Ayun, mejo kinapos na kami ng oras dahil kelangan namin mahabol ang 4pm schedule ng barge papuntang Camiguin at wala pa si Grace. I gave up na nga na mahahabol namin yun, and Kuya Karlos suggested na sa pinsan niya kami makitulog at kinabukasan na lang (around 4am) bumiyahe papuntang Camiguin. Nakakatuwa si kuya. May solusyon siya sa lahat ng trobol. :)) At eto pa, siya na ang nagkusang kontakin ang lahat ng contacts nya. Wow.
Sa wakas dumating si Grace (driver nya pulis. Siya na. Haha. Contact courtesy of Kuya Karlos. Siya ung nag-arrange ng transfer ni Grace from airport to Ket Kai at Php 250. Galing ni kuya! :)

Ayun, so mala-may asawang manganganak kung nagdrive si kuya papuntang Balingoan port (buwis-buhay 2.5! hehe). Todo hingi rin ng update re barge (baka may bibiyahe ng 530pm.) Pagdating ng Balingoan port, meron nga! Weee! Di na atrasado ang Camiguin trip namin. :D Sa sobrang tuwa namin kay Kuya we all gave Php 50 each as tip (10 kami).
For Php 150 nakatravel kami from Balingoan to Camiguin. At sobraaang ganda nung bonus. Parang ganito:
Sunset

Summary of gastos:
Dinner: Php 100 (Chicken and pork bbq, unlimited rice, shared pitcher of iced tea)
Room: Php 287.50
Van : Php 500 (5k for 10 pax. Wala ako # ni Kuya Karlos, pero masaya siyang guide. Post ko dito pag nakuha ko number niya. Highly-recommended)
ATV: Php 500 (Zipline: Php 600-- but I didn't avail)
Lunch (Jollibbee fried chicken meal): Php 87
Barge: Php 150
Rella: 12 Php (Php 6 per ride. will take you almost anywhere in CDO. ata. hehe)
Videoke: Free! (Courtesy of a friend. Php 200/hr)
Drinks: I don't know. XD
Total: Php 1621.5 (sana tama add ko. :P)

More pictures here.

See part 1.
See part 3.
See part 4.

..tbc

1 comment:

  1. Van rental CDO-Bukidnon-Balingoan Port
    Kuya Carlos 09059193896
    --ambait ni Kuya ng sobraaa! ginamit nya ang kanyang powers para makasakay kami sa barge at para makasakay si Grace ng maayos from airport.
    (c/o Ces)

    ReplyDelete