Pages

Tuesday, March 8, 2011

The Amazing (race) Cagayan De Oro - Iligan - Bukidnon - Camiguin Adventure

Part 1: Clueless But Not Lost in Iligan

Dahil maaga ang dating ko sa CDO (the rest of the group will be arriving at 5:00 pm), I decided to go on a (side) trip to a nearby province: Iligan-- Home of Majestic Waterfalls. Binalak ko magpunta sa MC falls, Macapagal House at sa Tinago falls.

So yun, from airport, I tailed a local going to Iligan. Haha. Mabait naman si ate at pumayag siyang isama ako bilang di ko alam kung pano magcommute at ayoko ng taxi. :))

Sa labas ng airport, sumakay kami ng jeep papuntang Carmen (Php 17) and then from Carmen, sumakay ulit kami ng isa pang jeep (Patag) papuntang Bulua Westbound Terminal (Php 10). From there, si ate ay sumakay ng deluxe na bus at ako ay sumakay ng aircon bus (Php 115) Mainit eh, at maarte ako. haha.


Nagbilin ako sa kundoktor na ibaba ako sa sakayan ng papuntang MC falls. He was very helpful, pinaalis nya yung pasaherong nasa unahan para paupuin ako dun. Haha. Mabait din naman yung pasahero dahil lumipat siya ng nakangiti dun sa kabilang upuan at nagkwento ng nagkwento. Thank God for my Bisayan roots. Haha. :))



Ayun, from terminal, kumain ako ng lunch (Php 58 kasama na coke. Haha), at naghanap ako ng masasakyan papuntang Buru-un kung nasan ang MC falls. Naglapitan ang mga driver ng habal-habal at naalala ko yung nabasa ko sa isang blog na isang alternative ang habal-habal to get around Iligan. May nahanap akong driver na willing akong ihatid papuntang MC, Macapagal at Tinago Falls for Php150. Ayaw pa nga niya mag Tinago nung una, pero ayoko ding hindi hanggang sa ayun, pumayag din siya.

So, nakasakay na ko sa habal-habal nung marealize kong kulang talaga ako sa praning hormones. HAHA. Wala akong helmet, at ang bilis ni kuya at ng iba pang driver. Buwis buhay moment number 1. haha. Ayun, di ko nirerekomendang maghabal-habal. Ride at your own risk. Sa mga adrenaline junkie na tulad ko, thrilling yung ride. Wahaha. :)))))

Along the way, may Iligan (at personal) history at trivia akong napala mula kay kuya. Siya na ang well-informed, confiding at marunong managalog. Haha.


Sa NPC nature park kung nasan ang MC Falls, may entrance fee na Php 30 at Php 10 para sa shuttle. Kelangan ng ID at wear the temp id na ibibigay nila at all times. Solo ko yung shuttle. Wooo!

May mini zoo at wild monkeys sa loob. May crocs, ostriches at peacocks din. May mini butterfly garden. At ang MC falls na matamlay nung araw na yun, dahil pinipigil ang tubig. Saturday and Sunday before 11 am daw pinapakawalan.

Maria Cristina Falls

At dahil I was the only guest, nakalibot ako sa loob to my heart's content. Accommodating lahat ng guards at staff, kaya ang saya. Hehe

From MC, I decided na ayoko na magtagal sa habal-habal dahil nakakapraning ang mga naglalakihang truck na biglang sumusulpot sa gilid namin. :/ Haha Kaya I decided na sa Macapagal House (na malapit lang sa MC) pumunta, then back to terminal na. Tsaka pa-hapon na din. Sayang yung Tinago falls, ang ganda pa naman dun. Oh well, next time. XD


From terminal, I rode a bus going back to CDO (Php 115). Somewhere along the way, tumigil ang bus at pinababa ang lahat ng pasahero. No, hindi holdap ang nangyari. Footbath moment. Custom ata sa lugar. Hehe. 
Hang gandaaaa ng view nung dinadaanan ng bus. Sobrang green at sobrang blue (madagat at mabundok). Haha :))


From the bus terminal. sumakay ako ng jeep pa divisoria (Php 10) at nagpaikot-ikot-ikot sa paghahanap ng Casa Isabella, where we will be staying...

Summary of gastos:
From airport, jeep to Carmen : Php 17
Carmen to Terminal via Patag-bound Jeep: Php 10
Lunch (fried chicken, rice at 12oz na Coke): Php 58
Bus to Iligan Terminal: Php 115
Terminal to MC and Mapagal House via habal- habal (motorcyle) : Php 150
Bus from Iligan to CDO: Php 115
CDO terminal to Divisoria via jeep: Php 10
Total: Php 475 (tama ba add ko? :P)

Pahabol:
Nature park entrance and shuttle fee: Php 40
Dunkin donut: Php 25 (nagulat ako dito. As in Weh? di ba Php12 lang sa Maynila yan? Pero di na ko nagreklamo, bilang ang sole purpose ko sa pagbili eh para magtanong for directions. XD)
Totalest: Php 540

More pictures here.

See part 2.
See part 3.
See part 4. 

..tbc

No comments:

Post a Comment