Pages

Friday, January 21, 2011

[Repost: ] Pagkain

Jan. 21, 2011.
Lunchout sa Mega kanina. Disapppointed ako sa lunch ko, kaya dumaan ng foodcourt bago bumalik ng office para bumili ng dessert. Kaso, wala na ang Knicker bocker sa dati niyang stall! WHY O WHY NACHOS NA ANG NANDUN?!!! ASAN NA SILA?!!! T.T At dahil tinamad na akong maglibot para hanapin ang nasabing pagkain (pero asan na talaga sila? T.T) scramble na lang binili ko. Tas ayun, naalala ko 'tong blogpost na to:
 

Multiply, July 16, 2010

Pagkain
May bago akong paboritong after-work food.

Dati kasi, yung KFC snack box fun shots yung madalas kong chibog kapag napapadaan ako sa Mega after work. Tas KFC Krusher pag may pera at zero self control. Kaso lang, ang bagal ng wifi connection sa KFC mega A.

Kaya lumipat ako sa McDo. Coke Float combo, which is medium sized fries + cokefloat. Perfect munch food habang nakikiamot ng internet connection sa SM.

Narealize ko, ang gastos. 70+ pesos din yun ah. Tapos nagkocontribute pa siya sa stored fats ko. Buti kung pwede kong gawin ang ginagawa ng mga bear: maghibernate para magamit ang fats na yun. Limited pa naman to keyboard bashing ang physical activity ko. >.<

Hanggang sa nadiscover kong mabilis ang net connection sa food court. Tapos bonus: SCRAMBLE! Ang ultimate after school street food of my childhood. Weeee!


Naaalala ko nun, 2 piso lang yung isang maliit na baso ng scramble sa labas ng PZES. 5 piso yung upsize. At dahil di pa abot ng konsepto ng germs ang batang isip ko nun, sobra- as in- sobrang paborito ko ang scramble, with additional milk powder. Siya din ang madalas masisi kapag namamaga ang lalamunan ko, a.k.a tonsillitis. 

Nawala ang scramble sa limited food group na kinakain  ko pagdating ng highschool. Di naman dahil mas aware na ako sa pawis ni manong nagtitinda ng scramble na malamang ay tumatalsik into his pink conconction while hinahalo niya ito. Wala na kasing nagtitinda nun sa labas ng West. Siomai (nag tig 2.50 lang nun. Ibang klase din ang sarap), palamig, fishball at sweetcorn ang mga nakaparada sa labas ng gate, pero wala na ang ambrosia of my elementary days. Sad.

So imagine. After 10 years. Nakita ko uli ang pink pagkain na yun. Sa food court. Mas less evident ang germs. :))

Pero seriously, kung tatanungin mo ko kung ano lasa ng scramble , sasabihin ko, lasang lapis na bagong tasa; lasang bagong pambura; lasang pride nung natawag ako ng teacher para itanong kung anong 9 planets ng solar system at narecite ko lahat; lasang gasgas sa tuhod nung nadapa ako habang nakikipaghabulan sa may stage; lasang yabang ko nung sabihing kaya kong talunin yung space between the stage at nung bakal na harang ng mga halaman; at lasang pagkapahiya nung sumabit ako sa may tiyan dun sa bakal na yun dahil kinapos yung talon ko (mas masakit sa pride, kesa sa tiyan, btw). Lasang grade two.

Narinig ko sa mga kasabay kong pumila (lagi na lang blockbuster sa stall na yun) ang mga ala-ala nilang binuhay din ng scramble: isang bahagi ng aming kabataan-- simple, masaya, at may peace of mind mula sa germs.
PS.

Uy, first time ko magkwento ng ganito sa blog kong 'to. Wala lang. haha :))

No comments:

Post a Comment