Pages

Thursday, January 27, 2011

Green League (Ang Simula)

Orye ng Green League mamayang alas 4. Gusto ko sana pumunta. Gusto ko talaga. I didn't even wear my uniform today. Para dun lang.

Wala pang alas 4. At kahit lagpas na, pwede pa ring humabol. :)
Kaso, mukhang malabong maka-alis ng alas 3 sa office. *iyak* Kaya magrereminisce na lang ako. Haha.



Walang akong balak mag-org nun dahil takot ako magtalent-show (Ang ACM wala namang app process nun. Hihi). Hindi ako takot sa FR (dahil di ko din naman alam kung ano yun. hahaha), hindi din naman ako GC kaya wala akong pag-aalala sa mga grades ko (ay meron pala, konti. haha) at game din naman ako sa mga activities. Ayoko lang talaga ng talent show dahil passive ang skills ko. Di piniperform (unless acceptable na magprint ako ng tula tas idistribute sa audience. Tapos bow. Sana pwede yun no?).

Pero isang EE8 class, nabudol-budol ako (along with KC and JA-- ay di pala si JA, willing pala siya. hahaha) into joining an org. Si Cere ang may sala. Imagine, wala siya binenta. Sabi lang niya orye. Parang reluctant pa nga siya nun. Pero sumama ako sa kanya ng walang pag-aalinlangan. Kahit na narinig ko yung warning word na 'ORG' Tulala pa ata ako nun. Haha.
Kung underwear ka ng kung sino, kanino at bakit? (Tama ba pagkaalala ko?)
Ayun. Dun sa may Vinzon's Hill. Dun nagsimula ang lahat.

Hazy na lang ang memory ko ng app ng batch namin.

Choco mucho nung orye na naubusan ata kami. Hmph.
Yung attendance sheet. Kulay blue ba?
Mga hand print.
I'm not your average tree-hugger.
Informal interview sa AS.
Nabinyagan kaming Gang Green Gang.
Treasure hunt sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife na mems ang naka-blindfold. Woohoo~

Muntik ko nang pagbackout dahil wala akong dalang sako. (Hala, san gagamitin yung sako? >:) )
Sigsheet na di ko natapos. Hehe.

Bago ang Dota craze, dumaan muna ang lahat sa killer phase
Formal interview with Ate Karen. Natakot ako sa kanya. Kaya kahit memorize ko ang preamble, naka twice (o thrice?) pa rin akong recite. T.T
Pagreresign ng 'mga' aming batch head. In the end, di ko alam kung sino batch head namin. Girlie, wasdatchu?
Di ko din maalala buddy date namin ni Uzi. Hehe.
Madaming-madaming killer. At Egyptian Wars.
Batch bonding over cards and kakanin sa tambayan. Pero super enjoy yun. :D
At siyempre, ang FR sa bahay ni Ma'am Trix. Si BK lang ang nagtalent show. Oh yeah. 'Torete' by Aegis. Oo, by Aegis. To-reeeeeeeeee-teh. Mataas yung reeeeeeeeee part ah.
Bagong binyag.

Madaming naituro  sakin ang GL. Like ang maguilty kapag gumamit ng straw o styro. Joke. Haha.
Tsaka Push the Wall. Break the apathy towards the environment.  At tsaka to willfully involve ourselves to protect, restore and conserve the natural environment... (o ha, walang kodigo yan.  Swear.)

Sheens, sobrang kamukha mo si Shaani dito. Foreshadowing ba 'to? Haha

Pero, ano ba ang Green League?
Eto ang org na bentang-benta ang weight-related jokes. Tipong:
Alumni 1 : Ano nga org nyo dati?
Alumni 2 : 2 lang org ko nun. ACM at GL (alam na kung sino eh no. haha)
Alumni 3: Ako 2 din. Acad org yung isa, tas GL
Alumni 1: 4 yung sakin eh. GL, tsaka JPIA tsaka... tsaka...
Alumni 2: Nag-frat ka? Frat?
Alumni 3: Ano? Frating gutom?

Di siya nakakatawa pag binasa, pero pramis, benta siya. Hahaha :))


Eto yung org na ang unang bati sayo pag nagkita ay "tumataba/pumapayat ka." Kahit araw-araw kayo nagkikita. Haha. Pero ngayon lang pala 'to, dati... pano ba dati? Teka, aalalahanin ko pa.



Eto yung org na madalas na conversation topic eh lakwatsa. Uy, Mt. Pulag tayo sa March ah. Tas sa May, Caramoan ulit. Madalas ding envi issue. Syempre envi org. May panahon nung madalas mapag-usapan ang JPEPA. Ano yun? Google mo.

Eto yung org na concerned kung natutulog ba ang mga fireflies. At kung curious ka, oo, natutulog sila. Tanungin mo pa yung mga umatend nung ED tungkol dun.

Eto yung org na napifeature sa dyaryo. Eto basahin mo.  Di kami masyadong fan ni Pacquiao ah. At joke lang yung mga quote ni Alex dyan ah. Ako kaya nagsulat nun. Hmph. Haha

At higit sa lahat, eto yung org na once na naging part ka, di mo na maiwan. Kasi lahat ng makukuha mong aral at experience mula dito, kahit saan dala mo.



PS. Eto yung org na karamihan ng slideshows na ginagawa, eto ending:

No comments:

Post a Comment