Pages

Tuesday, December 21, 2010

Saranggola Blog Awards

Dami nang nagtanong sa kin kung ano nangyari dun sa awarding ng Saranggola Blog Awards. Bilang kulang madalas sa oras, palaging 'OK lang' yung sagot ko. (Heto na naman ako sa ng/nang. Di ko talaga maalala yung tamang gamit. Sorry na. T_T )

Pero di talaga OK lang. Pano ba naman...

1. I met new friends. Say Hiiiiiii! to Kat and Niña! Buti na lang pinastay nila ako sa table nila. Uber-friendly at madaming kwento, kaya enjoy. :) At surprise, surprise, we were all from UP. :) Astig yan si Kat, galing pa Bacolod. At pasok sa  dalawang category ha. Si Nins (ok lang ba tawagin kitang Nins? n_n), 2nd year na niya sa SBA. 



Au, Nins, Kat
2. I met a community of bloggers. Astig, sobra. At ang saya sa feeling. I belong to a virtual family! Weee~

3. Sooobrang inspiring ng mga judges. Palanca winners. WOW. Balang araw, sana magkaron din ako nun, kahit isa lang. :P

4. I got this (see pic below). Weeee~ Ayun, nakadisplay na dito sa office. Next year, sasali na ko sa madaming categories (bilang madami na ang categories. Yey!) para di lang nag-iisa 'to. :)

5. Daming chocolates! Masaya din yung games. At masarap yung food. :D

2 comments:

  1. congrats! :) sayang kulang ang advertising skills ko. =p
    btw, 'nang' ay ginagamit na parang adverb. :)
    example, si alyssa ay kumakain nang mabagal. hindi, si alyssa ay kumakain ng mabagal. (kasi hindi naman kinakain/nakakain ang 'mabagal') hahahahaha! wag mo ako isumbong kay al. v^^

    ReplyDelete