Pages

Thursday, September 16, 2010

ulit.

nakakailang pasa na ko.*
ibinabalik lang.
nakakailang subok na
na parang walang pinatutunguhan.
minsan, naitatanong ko din sa sarili,
ano bang saysay ng pagpupumilit;
ng pagbangon sa pagkakadapa
at pagtahak sa parehong daan
ng paulit-ulit?
parang wala.

maliban sa--
mga bagong ideya,
mas maganda sa nauna.
mga bagong leksyon
at inspirasyon.
malalaman kong ang tapang ko pala--
upang buksan ang puso
at ipabasa sa iba
ang mga kathang nabuo,
mga sikreto nagpapanggap na kwento
mga pangarap, takot, halo-halong nadarama
sa mga taong di ko naman kilala.

salamat sa mga katagang:
sulat lang.

:)

No comments:

Post a Comment