Pages

Wednesday, June 9, 2010

LSS

Pasensya na.
Kung paulit-ulit kong kinakanta
Naaalala kasi kita.
Ang bawat salita, bawat kataga
Tayo ang tinutukoy, o
Ikaw ang paksa.

Pasensya na.
Kung paulit-ulit tumutugtog
paulit-ulit mong naririnig
Para sa yo kasi.
At parang isinulat sa kanta
ang mga hindi masabi.

Pasensya na. Pasensya na.
Pero para sa 'yo
kasi ang kanta.

No comments:

Post a Comment