Pages

Saturday, June 19, 2010

Katagal

Ang oras
kapag may inaantay
di katulad ng oras
sa facebook
alas-nuwebe lang kanina
pagkalipas ng (akala'y)
sampung minuto
alas singko na pala.
Hindi katulad ng oras
sa nakakabatong klase
Ang isa't kalahating oras
(parang) kalahati ng buhay
ang nakalipas.
ang oras pag may inaantay
parang tukso
minsan akala mo
matagal pa palang darating
at tama ngang akala mo.
minsan naman, parang kay tulin
kakabahan ka
kasi papalapit na
(mukhang) abot kamay na
tapos matutuklasan
malayo pa pala
o kaya
mas malala
di matukoy
kung darating pa ba...

No comments:

Post a Comment