Pages

Tuesday, April 20, 2010

Para sa Hindi Ko Mapangalanan (1)

hindi ako tumitingin
hindi ako tumatawa
wala akong sinasabi
kasi.

hindi ako sumasagot
hindi kita naiisip
(ng sinasadya)
hindi ako kinikilig
(ng halata)
kasi.

hindi ako interesado
(kuno)
wala akong pakialam
hindi ko napapansin
(dapat)
kasi.

sana

ikaw ang tumingin
ngumiti
tumawa
magsabi

ikaw ang magtaka
magtanong
mag-isip
kiligin
ng sinasadya.

sana
gawin mo rin
ang mga ginagawa ko
ng palihim.

No comments:

Post a Comment