Pages

Saturday, December 5, 2009

Kung Bakit Minsan Nakapikit

Hindi lang dahil
may mga ginagawa kang
di naman ako dapat apektado
kasi wala akong karapatan.

Hindi lang dahil ayokong
madagdagan pa ang
sakit na walang dahilan.

Hindi lang dahil
kapag sa isip ka lang nakikita
nagagawa kong ipinta
at idikta
ang talagang gusto

Minsan,
kaya nakapikit
kasi naglalaro.
#killermode




*ang mga artista sa larawang ito: Liv, Mela, Sheens, Marl at Ate Ana(?)