Pages

Tuesday, November 3, 2009

WALA

alam mo bang
dati (nung bata pa ko)
kumakain ako
ng (sunog o hindi)
ulo ng posporo?
Yuck, no?
pampatapang daw,
sabi ng nanay ko
pero, tumapang ba ako?

alam mo bang
allergic ako sa math
at ayoko ng nagkocompute.
pero ComSci course ko.
Ang labo.

alam mo bang minsan
nakakausap ako kahit
tulog. (nanay ko pa rin
ang maysabi. kaya maniniwala
na ako. haha)
kaya ang hirap ng may sikreto
baka masabi ko.

alam mo bang
asar ako
sa mga nagpapaypay
sa mrt
lalo na't katabi ko...

at mas lalong asar
ako sa mga patalastas
na paulit-ulit
kaya nakakabaliw?

alam mo bang
pangarap kong
literal na
maabot ang buwan

at makita ang mga tala
sa malapitan...

at pangarap kong isulat
ang kwento mong
di ko alam
ang kabuuan?



alam mo bang
gusto kong
maupo tayo minsan
at ikwento 'to sau.

para alam mo.

kaso abala ka at
siyempre
ayokong maging abala
sa 'yo

kaya isinulat ko na lang

at dahil di mo naman
mabababasa
(o babasahin) 'to

sa huli,
ano bang alam mo?

No comments:

Post a Comment