Pages

Tuesday, November 3, 2009

Wag na.

Kaya kong maging masaya sa labas
Pero parang laging may kulang
Kaya kong tumawa ng malakas
Ngunit hanggang tenga lang siya dinig.

Kaya kong maglakad
kahit walang patutunguhan.
At kaya kong itanggi
ang kapagurang nararamdaman.

Wag lang ako titigil
Wag lang mag-iisip.

Kaya kong ipilit sa sarili
na wala akong hinahanap.
O magpanggap
na nakita ko na.

Kaya ko.
Wag mo lang ipaalala
na hindi pala.

No comments:

Post a Comment