Pages

Wednesday, November 4, 2009

Tagu-taguan

Pssst...
Dito ka
Heto ang hinahanap mo
Kapalaran? Andito

Sa dami ng tumatawag sa pangalan ko
nakakalito
Kanino ba sasama,
kanino lalayo?

Lahat sila tama
lahat sila mali
at di matukoy kung ano ba talaga
ang para sa sarili.

Kaninong kapakanan ang uunahin ko
kapakanan ng lahat...
eh, bakit may hindi kasali?

Anong kulay ang dapat na nakapinta
pula, berde, asul
may ipinagkaiba ba?

Kanino makikisigaw
kanino makikisama
Kaninong katotohanan
ang aakapin at ipaglalaban?

Aaarrgh!
Eh di rin naman kasi
pwedeng mag-isa.

No comments:

Post a Comment